Kabanata 7

5 2 0
                                    

Kinabukasan ay masaya kaming pumasok ni Mardo.

"Kamusta si Pau?" Tanong niya habang nasa byahe kami.

"Hmm, babaero yun no?" Tanong ko. Tumawa naman siya.

"Alam na alam mo talaga kung sino mga kauri mo no?" Natatawa pa siya, hinampas ko naman siya.

Naghiwalay na kami ni Mardo ng dumating kami sa school. Naabutan ko naman si Cresilda na naglalakad patungo sa classroom namin.

"Hey Alex! Good morning!"

"Morning!"

"So how was your night?" Ngumiti lang ako.

"I knew it! Goodness! Nakakaiinggit." Nagpout pa siya. Natawa naman ako at hinila na siya patungo sa classroom.

"Bawi ka next time." Saad ko.

"Talaga!" Natawa naman ako kase napasigaw pa siya. Nagtinginan tuloy ang mga studyante kaya natawa kami.

Hindi naging boring ang klase dahil nagkwentuhan lang kami ni Cresilda. Nung lunchbreak ay bumaba kami para kumain sa canteen, kinawayan naman kami nila Mardo at lumapit kami sa kanila. Nandun narin sila Ivan. Tumabi ako sa kanya at binuksan ang tubig sa harap niya.

"Kapal ha." Ngumiti lang ako at umiling naman siya.

"San naman kayo nagpunta kagabe ni Mardo?" Tanong niya.

"Umuwi." Tipid kong sagot, naningkit naman ang mata niya.

"Sino niloko mo?" Nilingon ko naman siya.

"Bat ka nagagalit? Hahaha"

"Tss." Saad niya.

"Papasabay kaba pagkain?" Dagdag pa niya.

"Papalibre." Pagtatama ko sa kanya.

"Pulubi kahit kaylan." Sinamaan ko naman siya ng tingin. Napalingon kami sa barkada niyang si Kirby ng magsalita.

"Kami din palibre papi." Tinaasan lang sila ng middle finger ni Ivan. At tumayo na para omorder kasama si Kenjie at Jay

"Damot." Ani ni Kirby.

"Damot nga yan" Pagsangayon naman ni Migo, nagsalita naman si Mardo.

"Mga pulubi rin ba kayo?" Napatingin naman sila kayvMardo at sinamaan nila ito ng tingin.

"Lagi palibre eh." Dagdag pa niya.

"Ay kala mo siya hindi." Ani ni Kirby.

"Kaya nga." Si Migo

"Ay wow! Kampihan." Natatawang saad ni Mardo.

"Jusme parang mga bata." Napalingon naman kami kay Ella.

"Sorry po Sister Ella." Saad ng lokong si Kirby. Natawa naman kami pero umirap lang si Ella.

"Excuse me, may lovelife na kaya si Ell!" Pagsingit ni Cres.

"Ows? Seryoso?" Si Kirby ulit, natawa naman kami lalo ng batuhin siya ni Ella ng plastic bottle.

"Di nga Ell meron na?" Saad naman ni Migo. Natuon naman ang atensyon namin kay Ella.

"Di pa kami no." Sagot niya.

"Sino???" Saad ng tsismosang si Mardo.

"Secret." Nakangiti pa siya.

"Tss, pusta iiyak ka nanamn dyan." Si Migo

"Pusta din ako Pre!" Saad naman ni Kirby

"Huy ano ba kayo! Ang sama niyo." Saad ni Mardo tyaka nilapitan ang asar na Ella.

Ready or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon