Kabanata 8

11 3 0
                                    

Biyernes ng tanghali na kami pumunta ng Apiton. At hindi ko malaman kung bakit nalaman nila Sean ang plano namin! Hindi naman siya sumama, pero ang mga pinsan kong sila Betlehem at sila Dio ay di nagpaawat. Kaya ang pinakamalaking bangka tuloy ang nirentahan namin. Kasama din sila Dayan at Em. Sila Sean, James at Ed lang ang di sumama, at syempre si Alexa.

Buti nalang mabait tong sila Ella at okay lang naman sa kanila na sumama ang mga pinsan namin. Pagkarating ng isla ay nagtakbuhan ang mga pinsan ko patungo sa mga kubo. Inilapag nila ang mga dala namin at nagtayo ng mga tent.

At pagkatapos ay nagtungo sa dagat para magsurf. Samantalang naiwan kaming mga babae para ayusin ang mga dala naming pagkain sa kubo na nirentahan namin. Nagbihis narin kami pagkatapos at tumambay sa kubo. Ang init pa kase, pero yung mga pinsan naming lalaki hindi nagpaawat sa araw.

Bigla naman naalala ni Mardo na may kailangan pala kaming ihawin na karne. Kaya tinawag niya ang mga pinsan namin para utusan mag ihaw. Wala silang nagawa dahil usapan namin na susunod sila sa mga iuutos namin kung gusto nilang sumama samin. Nagkabit din ng net sila Zach dahil gusto namin maglaro ng volley ball. Habang abala ang iba sa pagiihaw ay naglalaro kami ng volleyball. Nainggit naman sila Betlehem at nagrenta ng bola ng basketball. May court din kasi ng basketball dito. Di nga lang msyadong malaki tyaka kahoy lang ang board ng ring. Wala naming arte ang mga pinsan kong lalaki at naglaro nalang.

Nang mapagod na kami sa paglalaro ay napagdesisyonan na naming kumain. Boodle fight ang naisip namin dahil wala kaming nadalang mga paper plate. Medyo nagtagal pa dahil kumuha pa sila Dio ng dahon ng saging. Abala na kami sa pagkain ng matanaw namin ang bangka na paparating. Napatigil kami saglit para tingnan kung sino ang dumating. At sa kasamaang palad ay sila Sean at ang mga mayayabang niyang barkada. Sinalubong naman sila nila Betlehem, samantalang nagpatuloy kami ni Mardo sa pagkain. Napansin naman namin ang pagtigil ni Ella.

"Hoy! Okay kalang?" Tanong ni Mardo. Kumurap kurap naman siya at tumango. Napailing nalang kami ni Mardo samantalang si Cres ay nagtatakang tiningnan si Ella.

Lumapit naman sila Sean sa kubo namin at sumabay sa pagkain. Nilingon ko sila saglit. Nasa may kabila silang dulo. Tinanguan ako ni Ed at James ng makita nila ako, tumango lang din ako. Nalipat naman ang tingin ko sa nakaputing vneck na si Uno na kinakausap sila Dio ngayon, nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa gawi ko. Sinalubong ko naman ang tingin niya, pero nagiwas siya. Parang kagabe lang ang yabang neto sa laro ha. Natawa nalang ako.

Pagkatapos kumain ay iniligpit na nila ang pinagkainan namin. Mabilis lang din kase kaming natapos nila Mardo. Dumiretso kami sa dagat para magsurf samantalang naiwan naman silang mga lalaki sa kubo. Abala din kase sila sa pagkwekwentuhan.

Alas kwatro narin at papalubog na ang araw kaya di muna kami umahon. Mas maganda kase magsurf ng mga ganitong oras dahil medyo mainit ang dagat at idagdag mo pa ang magandang paglubog ng araw. Panay ang kwentuhan namin habang nakasakay kami sa board namin. Nakakatuwa at nakakasundo narin nila Dayan at Em sila Ella at Cres. Magaalasingko na ng umahon kami ng dagat. Giniginaw narin kase si Em kaya umahon narin kami.

Pagkatapos magbihis ay dumiretso na kami sa kubo. Nadatnan namin ang mga pinsan naming abala sa pagkwekwentuhan habang umiinom ng beer.

Napansin ko ang isang malaking ice box sa gilid ng kubo. Napailing nalang ako ng mapagtanto na si Sean ang nagdala neto. Umupo kami nila Mardo sa kabilang dulo. Inabutan naman kami ni Betlehem ng isang bucket ng beer at ice cubes. Napansin ko naman ang pagalis ni Em at Dayan para magpaalam sa mga kuya nila.

Natatawa kami ni Mardo habang pinagmamasdan sila Em na nakikipagusap kela Ed. Lumapit narin sila pagkatapos pumayag nila James na tig isang bote lang sila. Bigla tuloy nagprotesta si Mardo. Sa totoo lang kase siya talaga ang kakampi ni Em at Dayan sa tuwing pinapagalitan sila nila Ed at James.

Ready or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon