Biglang napalitan ng inis ang nagtatakang mukha ng kapatid kong siga. Lumapit siya samin at sinamaan ng tingin ang cute na si Neo.
"Uwi." Mariin niyang sambit habang nakatitig parin sa lalaking balak ko sanang landiin. Natawa lang ito pero umalis din. Tatawagin ko sana siya nang hinawakan ako sa braso ni kuya Sean. Napatingin ako sa kanya at sinalubong ang masama niyang tingin.
"Umuwi kana" Sambit niya.
"Edi ikaw umuwi." Masungit kong sambit sabay bawi ng braso ko sa kanya. Napalingon ako nang magsalita sila Cresilda.
"Uy Alex! Ano uwi kana?" Tanong niya sabay tingin sa kapatid ko. Natahimik siya.
"Sige Alex! See you tom nalang." Saad naman ni Ella na katulad ni Cresilda ay biglang nanahimik.
"Call kita later." Si Mardo na nakangiti lang.
"Uuwi na tayo?" Tanong ko, nagkibit balikat lang sila.
"Ang aga pa kaya!" Protesta ko. Bigla namang nagsalita si kuya Sean.
"Umuwi kana George." Tumalikod na siya at naglakad papunta sa parking lot. Ganon din naman sila Ella at Cresilda. Napatingin ako kay Mardo na nakasimangot na ngayon.
"Panira talaga yang kapatid mo."
"Papunta na kami sa banyo nung taga chinito eh!" Naiinis niyang sambit. Natawa naman ako at namangha.
"Dang! Ganon kabilis?" Tanong ko.
"Well" Nagkibit balikat lang siya at natawa.
"Ikaw, ano?"
"Niyaya ako lumabas bukas"
"Di lang ako nakasagot dahil dumating yung bakulaw na Sean na yun kaasar." Nakakainis talaga kahit kaylan yun. Laging panira sa mga diskarte ko sa buhay. Simula pa dati lagi na siyang ganon. Mas mahigpit pa siya kay kuya Nicko.
Gusto niya nasa bahay lang kami ni Alexa naglalaro ng barbie dolls, eh di nga kami magkasundo ni Alexa kase iba mga trip niya sa buhay. Gusto niya ng Winks Girls ako naman gusto ko ng Dragon balls. Kaya lagi nalang akong lumalabas ng bahay at naglalaro kasama sila Mardo at Betlehem.
"Next time dun tayo sa wala siya ha." Napalingon ako kay Mardo.
"True!" Pagsang ayon ko.
Maaga kaming umalis sa boulevard dahil sa panirang si Sean. Pagkauwi ng bahay ay agad akong dumiretso ng kwarto. Wala namang tao dito kaasar. Nakatanggap ako ng tawag sa di kilalang numero. Dahil di naman ako maarte at laging open for landian. Sinagot ko.
"Hel-" Agad kong inilayo sa tenga ko ang cellhone ko nang marinig ang sigaw ng tao sa kabilang linya.
"GEORGEEEE!"
"Punyeta ka Ivan ang lakas ng bunganga mo bwisit ka."
"Hahahahahaha. Bakit bigla kang nawala!?"
"Nakabingwit ka nanaman ng lalaki sa park no?" Dagdag pa niya. Di ako kumibo dahil sa inis.
"Saan ka ngayon?"
"Inaka Ivan pikon ako ngayon ha. Sige asarin mo pa ako!" Sigaw ko pabalik. Tumawa lang ang loko.
"Alam mo kaya kasundo ko talaga yan si Sean eh." Natatawa pa niyang saad.
"Ewan ko sayo, lintek ka." Pinatay ko na ang tawag dahil alam ko namang aasarin niya lang ako. For sure naman nakita niya kung paano ako pauwiin ni kuya Sean kanina. Hays nakakaasar talaga.
Humiga lang ako sa kama at inopen ang messages ko. Nakatanggap ako ng follow request mula kay Ella at Cresilda. Nagscroll ako pababa para tingnan kung sino pa yung mga nagfollow saken. Pero nagulat ako ng silang dalawa lang. Seryoso ba 'to? Napailing nalang ako at tiningnan ang group chat na ginawa ni Mardo sa telegram.
BINABASA MO ANG
Ready or Not
AdventureAlex the happy go lucky girl was living her carefree and wealthy life in Manila. But everything changed when she found out that she is dying. Alex decided to spend her remaining months with her family in Cebu. She accepted her fate. She's ready to d...