Kabanata 9

4 2 0
                                    

Tanghali na ng makauwi kami galing Apiton Island. Halos lahat kase ay tanghali na nagising. Nag umagahan lang kami saglit bago tuluyan ng nilisan ang isla. Pagkauwi naman ng bahay ay naabutan namin si Alexa at Kuya Nicko na nanonood sa sala.

"Bat di niyo sinama si Alexa?" Tanong ni kuya Nicko. Nilingon naman namin si Alexa ng magsalita siya.

"As if sasama ako." Nakairap pa siya. Umiling lang naman si kuya Nicko at walang pakeng umakyat na sa taas sila Zach at Sean na parehas inaantok pa. Sumunod narin naman ako sa kanila. Tumuloy na ako sa kwarto at nagpahinga.

Bumaba lang ako ng kwarto ng katukin ako ni Mama para sa hapunan. Tuwing weekends lang kasi sila nakakasabay samin ng hapunan, dahil madalas silang abala sa farm tuwing weekdays. Tahimik kaming nakaupo sa hapag habang inihahain ni Mama ang mga pagkain, ng biglang nagumpisang magtanong si Tito.

Tinanong niya si kuya Nicko tungkol sa pagaaral niya, tapos sinunod niya si Sean at Zach at ako. Kinamusta niya ang unang lingo ko sa SA, kung kailangan ko daw ng sasakyan sabihin ko sa kanya. Wala naman akong balak, kaya di nalang ako kumibo. Ayos na ako sa pagcocommute, kasama ko rin naman kase si Mardo. Mas lalong sumeryoso ang usapan ng nasa gitna na kami ng hapunan. Si Mama, tito at kuya Nicko lang naman ang naguusap usap tungkol sa farm, pati sa politika. Minsan naman ay sumasali si Sean at Zach. Wala naman kaming kibo ni Alexa dahil parehas kaming walang interest sa mga usapan nila.

Pagkatapos ng hapunan ay diretso tulog na ulit ako. Ang sakit kase ng katawan ko. Hindi rin naman nagyaya sila Mardo ng lakad ngayong gabe. Siguro ay pagod din sila katulad ko.

Linggo kinabukasan ay maaga nanaman kaming gumising para magaattend sa morning mass. Buti nalang at kompleto ang tulog ko kaya hindi ako badtrip ng gisingin ako ni Zach. Pagkarating naming ng simbahan ay abala na ang mga tao sa morning chikahan. Inikot ko naman panignin ko para hanapin si Mardo. Nakita ko siya na kausap sila Dayan at Em, lumapit naman ako sa kanila.

"Uy George! Maliligo sila Betlehem sa falls after netong mass, sama tayo?" Ani pa niya.

"Pwede." Saad ko. Tumango tango naman siya.

Saglit pa kaming nagkwentuhan tungkol sa nangyari sa isla kagabe. Si Dayan at Em ay di makamove on kela Ella at Patrcik. Natigil lang kami sa paguusap usap ng magsimula na ang misa.

Tahimik lang ang lahat habang nakikinig kay father. Tulala lang din akong nakatingin sa kanya. Nabalik lang ako sa wisyo ng magtayuan na ang mga tao, hudyat na tapos na ang misa.

Nagsimula ulit na umingay ang paligid dahil sa paguusap usap ng mga tao sa loob ng simbahan. Tumayo narin kami ni Mardo at sabay na lumabas.

Nadatnan naman namin ang mga pinsan namin at ang barkada ni Sean sa may parking lot. Kaagad naman kaming natanaw nila Betlehem at lumapit sila samin. Sa kanila kase kami sasabay pauwi ng village. Sila mama kase pati yung mga hermana niya na sila tita Anne ay naiwan sa simbahan. Kumaway pa samin si Patrick, sinuklian naman siya ni Mardo ng tingin na may pagbabanta. Natawa naman sila Sean at Joaquin samantalang si Uno sa tabi nila ay abala sa telepono niya.

Pagkauwi ng bahay ay naunang umalis samin sila Betlehem at Em. Aantayin pa kase namin sila Ella. Nang makompleto na kami ay tumungo narin kami sa Palanas falls. Si Ella ang may dalang kotse kaya sa kanya kami lahat nakasakay. Pagkarating namin sa bukana ng falls ay tumigil si Ella sa pagdadrive. Nagulat naman ako ng mapamura silang lahat.

"Shit kasama nila sila Ericka!" Inis na saad ni Ella.

"Potek na yan. Akala ko tayo lang nila Betlehem." Ani ni Mardo habang kinakalikot ang cellphone niya. Tiningan ko naman siya.

"Tawagan ko lang si Em." Ani niya.

"Omg. I'm not going there!" Sambit naman ni Cres. At ako naman na clueless ay nakatanga lang sa harap nila.

Ready or NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon