May gusto ako sa lalaking hindi ko maabot. Buong buhay ko, siya na ang gusto ko. Halos lahat nga ng mga lalaking sinasabing may gusto sa akin tinu-turn down ko agad. Kasi umaasa ako na darating siya. Uuwi ulit siya at magkikita kami at alam niyo ba? Heto na ang araw na pinakaasam-asam ko.
"Girl!! Bilis ng kilos! Baka maunahan ka pa ng mga haliparot nating pinsan!!bilis bilis""Teka nga sandali yung ipit ko "
"aish bilis biliss" taranta kong pinulot ang ipit ko at inilagay sa buhok ko muli akong bumalik sa salamin ngunit hinila na agad ako ni Krissy palabas ng bahay.
"Oh em ge siya na ba yan?" pakiramdam ko kaming dalawa lang ang nasa mundo. Parang nawala lahat ng mga pinsan ko at nakapalibot lang saming dalawa ang mga nag pupulahang puso.
"Oo girl!" (insert ng tunog na mga nabasag na puso) sinamaan ko ng tingin si Krissy. Panira ng moment "Siya na nga iyan. Napakagwapo girl! Makalaglag brief" dagdag pa niya. Na animong tinalo pa ako sa pagkakilig. And yes tama ang akala niyo bakla si Krissy. Hindi ko siya pinsan feeling kapamilya lang. Dito na nga natutulog ang baklang to eh"Hi Daennelle " eottoki!!eottoki !! Nasa harap ko na siya at binati niya ako!
"girl kinakausap ka"marahan akong hinampas ni Krissy sa balikat dahil nabaliw na naman ako. Hyperventilate na naman si puso ko "HA! ahh ehh"nauutal kong sabi. Kagat labi kong hinampas si krissy ng palihim "H-hello Chess" sampalin ako ngayon na!! Ngumiti siya ngumiti siya!!
"hindi ka parin nag babago ang cute mo parin"
"Girl kinomplement ka niya"bulong ni Krissy na hindi rin naalis ang ngiti sa labi
"Dinig ko krissy wag kang reporter" bulong ko pabalik
"ah.ikaw chess ang laki ng pinagbago mo. Lalo kang gumwapo " hindi ko maiwasang kiligin sa mga ngiti at titig niya.
"Kamusta nga pala ang Career mo sa U. S"
"Mm Ayos naman. Pero mas masaya parin talaga dito sa Pinas"
Oo naman lalo nat andito ka sasaya talaga ako!! Jusko malanding hormones. Pinag hahampas ko si Krissy dahil sa sobrang kilig. Maya maya ay nag paalam na din si Chess my loviedabs sakin dahil mag papakita pa daw siya kay Tito. Magkaibigan kasi ang daddy niya at si Tito. Kaya medyo mag kalapit kami pero dahil nga sa artista siya imposibleng maabot ko siya. So close yet so far ang peg.Sa kwarto kami nag stay ni Krissy at bugbug ko na naman siya. Kilig na kilig ako habang kenekwento sakanya ang nangyari kanina kahit pa mag kasama lang din kami at nasaksihan niya din naman ang kalandian ko. Proud ako na may kaibigan akong gaya niya dahil hindi siya nag sasawang pakinggan at intindihin ang mga kwento ko.
Lagi ko siyang kasamang bumili ng mga poster at mga gamit na may mukha ni Chess. Pati concert movies at fansigning hindi namin pinapalampas. Ganun ako ka head over heels kay Chess. Kahit 23 na ako feeling teenager parin dahil sa pagiging fangirl ko.Maya maya ay napag pasyahan naming mag puntang mall. Malapit lang din naman samin. Bibili kami sa bookstore ng libro na 'Facts about Chess oh diba baliw na baliw.
Malapit na kami ng biglang huminto si Krissy sa pag lalakad kaya huminto rin ako
"Gurl nakikita mo ba ang nakikita ko" aniya kaya sinundan ko ang tinitingnan niya. Sa bandang may gilid nakatayo ang pamilyar na pamilyar na lalaki. Nakahoodie siya at nakashade pero kahit yata balutin siya ng makapal na kumot ay makikilala ko parin ang lalaking iyon. May kasama siyang magandang babae
"krissy gisingin mo ko!! "mahinang sabi ko agad akong napaaray ng bigla niya akong kuritin sa braso
" gising ka na girl " bagsak ang balikat kung hinila ang laylayan ng damit ni Krissy "Tara lapitan natin gusto kong kumpirmahin kong siya nga iyon"
YOU ARE READING
- When Fate Plays A Trick-
Teen FictionMy one shots stories compilation. This book has all different stories. I only wrote some part in one shot try No editing no revision so presume that i had lot of misspelled and some typographical errors. **No to Happy ending*** Stories^^^ please re...