HINDI NA BALE

9 2 0
                                    

Hindi na bale

May kakilala akong babae noon. Gaya ko ay nag aaral rin siya sa ****** College. Akala ko noong una ay mataray at maarte siya pero noong kinausap siya ng isa kong kaibigan. Mabait naman daw. Sa totoo lang ay hindi daw niya inaasahan na mag oopen up ito sakanya.
Dahil sa mahilig ako sa chismiss. Kinulit ko ang kaibigan kong ekwento rin sakin yung nalaman niya tungkol kay pauline--- Pauline Marasigan ang tunay na pangalan. So ayun nga kenewento sakin ng kaibigan ko yung ekwenento sakanya ni Pauline. At ekekewento ko rin sainyo.

First year highschool si Pauline noon ng mag karoon siya ng jowa. Nung una raw ay wala lang iyon sakanya dahil bata pa naman raw siya. Sa kuryusidad niya kung anong pakiramdam ng umibig. Pinatos niya na iyon kahit alam niyang trip trip lang. Umabot daw sila ng apat na buwan. Pero noong tumuntong ng Second year nag hiwalay rin sila. Mag aanim na buwan ng malaman niyang yung ex niya jowa na yung kaibigan niya.  Wala lang naman daw iyon sakanya dahil hindi naman talaga niya minahal.At hindi niya talaga alam ang pakiramdam ng pagmamahal.

Sa ikalawang pag kakataon ay napag desisyunan niya na pumasok ulit sa relasyon. This time 4th year student na siya.  Nung unang dalawang buwan raw ay maayos pa ang pag sasama nila.  Pero dahil hindi nga niya alam kung mahal ba talaga niya ang lalaki o pinag bigyan lang niya ito dahil matagal na siya niyong gusto.

Hindi sweet si Pauline. Marami siyang priorities.. At yung pakikipag relasyon ay ang pinakahuli. Yung jowa niya eh gusto ng atensyon. Pero hindi niya iyon masyadong pinapansin. Naiinis rin daw si Pauline dahil ginugulo siya ng Ex ng jowa niya. Hanggang sa nalaman niya na lang na nagbalikan na nga yung dalawa. Ayos lang naman sakanya dahil may girlfriend pa naman raw siya. At hindi niya iyon kawalan. Natuwa pa nga raw siya dahil hindi na daw niya kailangan mag isip ng paraan para makipaghiwalay sa kasintahan.

Malandi si Pauline akalain mong mag timer ni hindi siya nasaktan sa naging break up nila kahit sabihin pang hindi sila nag tatagal. Nainis ako kay Pauline dahil sa kwento ng kaibigan ko.
Hindi raw kasi magaling mag handle ng relasyon si Pauline. Yung sinasabing girl friend niya ay nakipag hiwalay nadin sakanya dahil hindi rin niya mabigyan ng oras.

Anong kwenta ng pakikipag relasyon kung hindi mo naman mahal at wala kang naibibigay na oras.

Sabi pa ng kaibigan ko kaya raw ganoon si Pauline ay takot itong masaktan. Kaya ang ginagawa  nito hindi niya sineseryoso ang mga ganoong bagay.

Kung ako sa posisyon ni Pauline ay hindi nalang ako papasok sa isang relasyon kung wala naman siyang nararamdaman para sa taong iyon. Masasaktan niya lang eh. Benabaliwala niya lang.

Nakaramdam ako ng awa kay Pauline ng sabihin sakin ng kaibigan ko na hindi naman daw ginusto ni Pauline na hindi makaramdam ng pag mamahal.

Gustuhin man raw nitong maging showy ay kinakain siya ng takot.
Takot mag tiwala. Iyon raw ang problema kay Pauline ang kawalan ng tiwala sa sarili at sa iba.  Dahil pakiramdam daw ni Pauline ay hindi siya karapat dapat mahalin at wala siyang kakayahang magmahal at magpahalaga.

Pero akalain mo ngayon

Si Pauline Marisigan na hindi raw marunong mag mahal e kasal na sakin.

Paano nang yari iyon?? Curious kayo noh?  Heto kwento ko din sainyo. Mga chismosa/chismoso kasi kayo.

Matapos ko kasing marinig sa kaibigan ko ang buhay pag ibig ni Pauline napag desisyunan kong subukang paibigan siya yung tipong mahuhulog siya sa bitag ko at hindi na makakawala pa. Nakakatawa man kasi masyado ng luma pero sinubukan ko talaga ang plano kong iyon. Ngunit gaya ng iba pumalpak ako.Ako yung  nahulog. Ako mismo ang nabitag sa sarili kong patibong.
Napatunayan ko pa noon na hindi nga niya kayang magmahal.

Pero---pero  ha. May pero.
Syempre may pero. Dahil nga gwapo ako may pero pa. May dagdag iyon syempre.

  Nag tratrabaho ako noon busy busy han sa opisina. Nalipasan pa nga ako ng gutom dahil sa sobrang dami ng pinapagawa sakin. Saka gusto korin namang gawin ito. Ayuko kasing mag karoon ng bakanteng oras dahil maiisip ko na naman ang sakit na naidulot sakin ni Pauline 2 years ago.  Matagal na pero hindi ako makamove-on bakit ba. Rare nalang kaya kaming mga lalaking ganito.
So yun nga busy ako. Maya maya pumasok yung isang katrabaho ko pinapatawag  daw ako ng boss namin.
Pag bukas ko ng pinto. Para akong binuhusan ng nag yeyelong tubig. Nastatwa ako dahil sa sobrang gulat.
Pag bukas ko kasi ng pinto.
Sumalubong sakin si Pauline nakaluhod sa harap ko hawak ang isang maliit na pulang kahon at may lamang silver na singsing.

Sa likod niya ay may malaking banner. Nakalagay ang Will you marry me!

Gulat ako Dahil hindi ko iyon inaasahan. .

Si Pauline Marasigan. Nakaluhod sa harap ko at inaaya akong mag pakasal.
2 years ago tinurndown niya ako.
Sa loob ng dalawang taong iyon wala akong ibang ginawa kundi ang subukang kalimutan siya pero dahil hanggang ngayon mahal ko nga siya. Pumayag na ako.

Hello babae na ang nag propose tatanggihan ko pa ba. Nakakahiya man dahil siya ang nakakuhod pero wala eh. Mahal ko parin. Tinanggap ko ang oag mamahal niya ng walang pag dadalawang isip.

Minsan talaga may mga pangyayaring di mo talaga inaasahan.

"MAGHIWALAY NA TAYONG BWESIT KA!! LUMAYAS KA MANLOLOKO!! "
natakpan ko ang tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Pauline.

"Hon hindi kita niloloko!!Maniwala ka naman sakin!! " pag rarason ni Renell. Si Renell yung kaibigan kong nagkwento sakin tungkol sa buhay pag ibig ni Pauline.

Sila yung nagkatuluyan. Yung sinabi kong propose at kasal!  Hahahaha Gutom lang iyon.kaya nangarap ako ng gising. Ngayon ako ang nag babantay sa anak nilang Si Reeline. Mag iisang taon na siya bukas. Ako ang nagbabantay dahil nag aaway pa yung mag asawa.

Oh siya sige na at lalaruin ko muna anak nila. .

🎓
👉😁👈
👔
👖
    👟👟

Damnfoolites33

- When Fate Plays A Trick-Where stories live. Discover now