wattpad memories brings back

11 2 0
                                    

Isang araw habang walang magawa ang isang binibini naisipan niyang. Buksan Ang kaniyang lumang cellphone upang tingnan kung ayos pa ito. Sa kabutihang palad ay nasa mabuti pa namang kalagayan iyon. Agad niyang ikinonekta ang charger upang madagdagan ang porsyento. Sunod ay ibinukas niya naman ang wifi connection at ikinonekta sa wifi ng kapitbahay.

Sunod niyang hinahanap ay ang simbolo na W. Isa itong application sa cellphone niya na dating ginagamit niya upang gawing pag kakaabalahan sa araw na wala siyang gawain.

Laking tuwa niya ng makitang nandun parin ang mga kwentong idinownload niya. Bagaman hindi ito mabuksan dahil napakatagal ng panahon ng huli niyang gamitin ang aplikasyon kaya agad niyang idinownload muli ito laking tuwa niya ng makitang successful na ang mga author na dati ay hindi ganun kasikat.  Pinindot niya ang + at tiningnan kung naroon pa ba ang dati niyang isinulat noong 17 taong gulang palamang siya. Hindi niya maiwasang mapangiwi ng basahin niya ang nga isinulat niya noon. Napakawalang kwenta ng mga iyon at para bang kwentong pambata lamang. Maski nga siguro ang bata ay hindi nanaising basahin iyon dahil napaka luma at hindi maganda ang daloy ng storya.. Ngunit sa kaniyang pag babasa. Narealize niya na hindi talaga siya nararapat na maging isang manunulat. Dahil bukod sa hilig lamang niya iyon ay hindi siya ganun kagaling pag dating sa pagpapaliwanag ng tunay na nararamdaman at pakikipagkomunikasyon.

Ngunit kahit na ganoon ay hindi siya nag sisising sumubok mag sulat ng mga kwento.
Dahil sa paraan niyang iyon kahit walang nag babasa sa mga nagawa niya ay nailalabas niya parin ang lahat ng nasa isip niya. Sa pamamagitan ng pag susulat ng kung ano ano ay naiibsan ang lungkot sa buhay niya. Sa pag susulat niya inilalabas ang kaniyang problema.. Hindi man siya propesyonal ay nagawa niya paring maging masaya.

Dahil sa pag babaliktanaw niya sa nakalipas ay muli siyang napangiwi.

Kahit gustuhin niya pang magsulat ay
Hindi niya na magagawa pa ngayon dahil malapit na siyang mawala sa mundo.. Dalawamput lima na siya ngayon at lumalaban sa sakit na Leukemia.. Walong taon na ang lumipas.. At nagawa parin ng kaniyang lumang cellphone na ipaalala ang lahat..
Do whatever makes you happy before its too late. That way you wont regret.

Oneshotlamestories
  Damnfoolites33

- When Fate Plays A Trick-Where stories live. Discover now