"Sino na naman nag lagay nito " tanong ko sa sarili ko habang inis na inis na inaalis ang mga sticky notes at ilang mga stolen picture ko na nakadikit sa armchair ko. Kadadating ko palang sa classroom ito agad ang naabutan ko.
"Shara ang aga aga nakasimangot ka na naman" pambungad ng bagong dating na si Timo.
"Ang aga aga nakangisi ka na naman aminin mo nga ikaw nag lalagay ng mga toh dito noh. "bintang ko.
Nanlaki naman ang mata niya at tinuro ang sarili sabay tawa ng malakas.
Ilang araw lang ako nawala dahil nag kasakit ako madami na namang kung ano anong nakadikit sa upuan ko.
"Hindi kita gusto para gawin ko yan" seryosong sabi niya. Inirapan ko nalang siya at hinayaang maupo sa tabi ng upuan ko.
Hirap na hirap na ako sakakaalis ng mga picture ko. Pati ang pintura ng armchair natatanggal. Pagagalitan pa ako nito ni Ma'am.
"Mahuli ko lang talaga ang epal na gumagawa nito sakin ipapakain ko sakanya lahat ng picture ko"
Ilang minuto pa ang lumipas at naalis ko na rin lahat. Pinagtatawanan lang ako ng mga classmates ko dahil panay ang reklamo ko at pagbabanta. Sigurado naman kasi akong nasa loob lang ng klase namin ang gumagawa niyon dahil mga kuha iyon twing nakakatulog ako sa klase. Si Timo lang talaga ang madalas kong pag bintangam dahil siya ang katabi ko at sobra siyang maloko. Wala yatang araw na hindi mambuburaot ang isang to. Pasalamat nga ako nag kasakit ako dahil hindi ko mabubungaran araw araw si Timo.
Maya maya ay dumating na Sir pero di rin naman nag tagal dahil may meeting daw sila sa Science Club.
"Shara pahinge papel" nilingon ko si Timo. Nakangiti na naman siya ng todo habang nakalahad ang parehong kamay sa harap ko.
"Oh ayan! Anong silbi ng pag pasok mo kung wala kang papel" inis kong sabi saka inaabot sakanya ang bondpaper.
"papel sa buhay mo" dagdag niya saka tawa tawang kinuha ang bond paper at nag simula nang mag drawing. Nadinig ko pa ang pag hagikhikan nila Cathy at Allie sa likod.
Bago umalis si Sir Binigyan niya kami ng gawain. Iguhit raw sa bondpaper ang iba't ibang uri ng body system. Ipapasa raw iyon at magsisilbing quiz. Lalagyan rin ng label kung anong part iyon at kaunting function. Matatagpuan din naman sa libro kaya madali lang naman. Ang kaso itong katabi ko panay hingi ng papel sakin at hiram ng pantasa.
"Shara pahiram pantasa naputol ulit eh" ikalima niya na yata iyong sabi. pinakita pa niya ang lapis niyang sobrang ikli na. 3 inches na lang yata iyon kasama na ang talim at pambura.
"Timo naman ! wala na akong matapos dahil sa kakahiram mo ayan sayo na yan (sabay lapag sa armchair niya ng pantasa, kinuha ko naman ang lapis kong bago sa pencil case ko saka nilapag din sa armchair niya) ito pa lapis para hindi ka mang gulo (binuksan ko ang bag ko saka inilabas ang bagong bili kong set ng bondpaper) tapos ito extra bondpaper para sayo!! kung may kailangan ka pa pumunta ka na lang sa Bookstore at doon ka mag hanap ng gagamitin mo at kung ayaw mo wag ka na mag aral ha! " mahabang sabi ko saka itinulak ang upuan niya palayo sakin na naging sanhi ng pag tumba niya pero sa halip na maguilty inurong ko pa ang upuan ko palayo sakanya.
Nakahinga ako ng maluwag ng hindi niya na ako guluhin pa. Natapos ko ang pinapagawa samin at naisubmit on time.
"Shara? " akala ko hindi niya na ako guguluhin dahil sa ginawa ko.
"ano na naman! "
"to naman high blood agad.mag tatanong lang ako tatlo pa kasi ang hindi ko malagyan ng function? Tulungan mo naman ako. Para maipasa ko naring tong gawa ko"
YOU ARE READING
- When Fate Plays A Trick-
Teen FictionMy one shots stories compilation. This book has all different stories. I only wrote some part in one shot try No editing no revision so presume that i had lot of misspelled and some typographical errors. **No to Happy ending*** Stories^^^ please re...