Alas singko ng hapon sa bahay ng pinsan kong si Krystal nakaupo ako sa upuan nilang gawa sa kahoy. Nagmumuni-muni habang hinihintay siyang lumabas dahil may pupuntahan pa kami. Ilang minuto pa ang hinintay ko ngunit napakatagal niyang lumabas. Napabuntong hininga nalamang ako dahil sa pagka-inip. Nadako nalamang ang tingin ko sa rosas na nakatanim sa bakuran nila. Bigla ay may dumapo doon na bubuyog. Napangiti ako sa sarili ko. Sunod ay kinuha ko saking bulsa ang cellphone ko at nagsimulang mag pindot.
SA hacienda MARIKIT pansamantalang naninirahan si Haleah. Pinilit siya ng kaniyang mga magulang at kapatid na manirahan muna sa kanilang probinsya sapagkat nais siyang makita ng kaniyang lola. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod kahit labag sakanyang loob.
Habang siya ay nag papalipas ng oras sa kanilang hardin May nadinig siyang pamilyar na tunog. Napalinga linga siya upang hanapin ang pinagmulan niyon. Agad nanlaki ang kaniyang mga mata ng makitang palapit na ito sakanya. Dali dali siyang napatayo at malakas na humiyaw. Pilit itinataboy ang bubuyog na patuloy siyang sinusundan. Wala siyang pakialam kung saan siya mapunta, dahil ang tanging nasa isip niya ay maiwasan ang bubuyog na iyon ngunit sa kasamaang palad ay ayaw siya nitong tantanan. "Waaaaa!!!!! hindi ako Bulaklak lumayo ka sakin! Parang awa mo na lubayan mo akooo!!"panay ang wasiwas niya ng kaniyang kamay sa ere, nag babakasakaling matamaan niya ito. Kakatakbo ni Haleah, hindi niya namalayan na iisang pulgada nalamang ang pagitan at kunting atras niya nalang ay mahuhulog na siya sa fish pond. Mabilis na nag iba ng direksyon ang bubuyog at pumunta sa likod niya kaya agad siyang tumakbo palayo.. Hinihingal siyang napaupo sa damuhan ng mapansing wala na ang bubuyog.. Takot siya sa anumang insektong lumilipad. May pagkaarte ang dalaga dahil masyadong na spoil ng mga tiyahin sa Manila."Haleah anong ginagawa mo diyan. Tumayo ka nga riyan juskong bata ka umayos ka nga parang hindi ka dalaga.."suway ng kaniyang yaya na may dalang puting bimpo. Sa edad dalampung lima ay may yaya paring nag aalaga sakanya. Malayo ang loob ni HALEAH sa mga nakakatandang kapatid at sa magulang . Dahil lumaki siya sa puder ng mayayaman na Kapamilya.. Pati ang pagiging matapobre at pihikan ay nakuha niya.
Mula sa malayo nakamasid lamang ang bubuyog na kanina ay nag ligtas kay Haleah sa muntik ng pagkahulog sa fishpond. Kung tao lamang ito ay makikita ang ngiti nito sa labi. ngunit isa siyang bubuyog kaya naman hanggang tanaw lamang ito.
Ilang araw ng hindi pumunta ang dalaga sa hardin dahil sa takot na baka ay mag pakita muli ang bubuyog na masyadong mapilit siyang sundan na para bang meron itong sariling isip dahil alam nito kung saan pupunta at sunod na gagawin.
Nang sawakas ay Napagdesisyunan ng dalaga na bumisita sa hardin dahil iyon lamang ang lugar na malayo sa mga tunay niyang pamilya.
Laking tuwa niya ng makitang malalago na ang mga bulaklak roon at may mga panibagong dahon na rin.
Agad niyang nilapitan ang mataas na halaman at ang mapula nitong bulaklak. Nangiti niyang inamoy ang masamyong amoy na nagmumula sa bulaklak na iyon.
" Maganda ka pala kapag nakangiti" nakangiti siyang lumingon sa kaliwa ngunit wala namang tao doon. Kaya ikinibit balikat niya nalamang ang narinig.
Ngunit kahit yata hindi niya isipin ay nanatili sa isip niya ang tinig na iyon
Maliit na boses lamang iyon ngunit naging sanhi ng kung ano anong kakaibang nilalang sa isip ng dalaga. Mag isa lang siya sa hardin at nasa probinsya pa. Maliit na tinig mula sa maliit na nilalang na kung tawagin ay duwende. Agad siyang napailing dahil sa naisip.
"Pero sa tingin ko mas maganda ka kapag iritable" dagdag pa ng maliit na tinig na iyon. Mahigpit niyang hinawakan ang tangkay ng bulaklak. At dahan dahang inilibot ang paningin sa buong hardin. Sa pagkakataong iyon nilukob na siya ng takot na baka totoo iyong Kinwento ng yaya niya tungkol sa hardin na ito na tinitirhan ng mga engkanto.
YOU ARE READING
- When Fate Plays A Trick-
Teen FictionMy one shots stories compilation. This book has all different stories. I only wrote some part in one shot try No editing no revision so presume that i had lot of misspelled and some typographical errors. **No to Happy ending*** Stories^^^ please re...