Sorry kung Medyo maiksi mga parts ko parang di gumagana utak ko haha pagpasensyahan niyo na lang..
Rei_20****
Nandito ako sa kwarto habang tinitingnan yung kwintas na napulot ko..
Siguro babae may ari nito kasi pambabae design niya ehh..
Itatabi ko na lang muna to..
Maliligo na ko para makapasok na ko..
---
Pumasok na ko sa room at umupo sa upuan ko.. Lagi ako sa harap pumupwesto .. Hindi dahil para magpapansin kundi magtago.. Paano??
Pag sa likod ka kasi nakaupo lagi kang nakikita ng professor niyo pero kung sa harap di gaano sxempre di naman sila pwedeng sa harap tumingin dahil mahihirapan sila yumuko haha di ba mautak din ako ..
"Rei" sabi nung katabi ko
Di ko siya pinansin pero nagsalita ulit..
"Bat lagi kang nakahood? Di ka ba naiinitan lagi ka na lang nakahooded jacket?" Sabi pa ulit ng pakielamero kong classmate..
Sxempre gaya ng dati ayoko magsalita dahil ayoko ng gulo..
"Mr. Ibanyes! Why are you talking while i'm teaching?" Sabi ng prof namin sa nangungulit sakin..
Yan sabi na ehh kaya ayoko ng nakikipagusap kasi ayoko ng gulo..
---
Natapos na ang klase namin pumunta muna ako sa garden para mapagisa buti na lang mahilig si mama sa halaman kaya yung garden dito may magandang halaman..
Umupo muna ako sa ilalim ng puno kumuha ako ng libro sa bag ko at nagbasa ako..
"Kamusta? Ngayon na lang kita nakita ulit ahh" sabi ng taong nakatayo sa harap ko.
Tiningala ko siya at nakita ko na si Jana pala yun.. Kaibigan ng kuya ko.. Di ako nag aate sakanya di ko trip ehh.
"Pano mo ko di makikita eh di ka na dito nagaaral" sabi ko ng mahina
"Kaw talaga, pumunta lang naman ako dito para kuhain yung ilang requirements na kulang ko aalis na rin ako eh nakita kita naglalakad papunta dito kaya sinundan kita..di ka padin nagbabago lagi ka parin nakahood" sabi ni Jana
Ewan ko ba dito sa jana na to istorbo.. sa totoo lang may gusto kasi to sa kuya ko ehh sa sobrang flirty siya na nanligaw kay kuya yun nga lang basted kaya ayan lumipat na ng school..
"Sige alis na ko gaya ng dati tahimik ka parin di gaya sa kuya mo makulit..regards mo na lang ako bye" sabi niya at umalis..
Bastos ba ko makipagusap? Kasi di ko pinapansin? Ganun talaga ayoko nga kasi ng gulo..
Tinamad na ko tumambay kasi uwian na ng iba pang klase kaya umuwi na rin ako..
---
Pagdating ko sa bahay nakita ko si kuya na nanonood ng t.v at tawa ng tawa muntanga lang ehh..
"Kuya regards daw sabi ni jana"
napatigil siya sa pag tawa kahit naman ganyan si kuya ayaw niya na babae nagfifirst move kasi pangit daw tingnan yun naawa man siya kay jana pero ok na sinaktan niya kesa paasahin ..
Tska naman ako umakyat sa kwarto para makapagpahinga na..
Bigla ko naalala yung kwintas.. Kanino kaya yun?
Naisip ko na lagi na lang yun bit bitin para kung sakaling makita at malaman ko na may naghahanap nun maibalik ko agad...
Di ko na masyado inisip yun at natulog na ko.
Iniisip niyo ba na baka di ako nagpapalit ng hooded jacket? Sa totoo lang lahat ng damit ko hooded ..
--
Linggo ngayon sxempre naman kahit ganito ako nagsisimba din ako no kaming pamilya pero si papa dun sa singapore, dun kasi siya ngayon dahil sa business meetings niya.
Naglakad lakad muna ako tutal maaga pa naman kinuha ko yung kwintas na napulot ko at tiningnan ko ng biglang..
May nabangga akong babae nabitawan ko yung kwintas at nalaglag hood ko..
***
Wait for the next update tnx sa mga nakabasa na.. I accept comments and suggestions :))
BINABASA MO ANG
Mysteriously Inlove
Teen FictionLove can change anything.. ayon sa paniniwala ko pero what if you find someone perfect for you but can't tell your feelings .. kung iniisip nila na weird at mysterious ka .. wala na ba karapatan magmahal? Find out this story about a mysterious boy...