Meeting each other

322 21 5
                                        

Tnx po sa mga supporter ng mysteriously inlove :))

Rei_20

****

Habang nasa kotse kami ..

" ano nga pala name mo " sabi niya

" Rei ikaw? "

" Erza Ru , ilan taon ka na? "

" 19 "

" san ka nag aaral? Anong yr. Mo na? "

Sunod sunod na tanung niya sakin .. Ang dal dal talaga ng babaeng to..

" san ka ba nagaaral? " tinanung ko na lang siya para alam ko kung san kami pupunta ..

" doon sa shinigami university.. Alam mo ba yun? It's so famous kaya kasi daming student ang nakakahanap agad ng work dahil sa school na yun.." Kwento niya sa sakin .. As if naman na di ko alam yun ehh kami may ari nun tumango na lang ako dahil iisa lang pala school namin di na ko gaano pang nagsalita ..

Malapit na kami..

" paano mo pala nalaman tong school? Dito ka rin ba nagaaral? " tanung nanaman niya ewan ko ba dito sa babaeng to ang ingay tskk..

Hindi niya ba talaga alam na pamilya ko may ari nito? Grabe kala ko famous ako di parin pala haha

Pag dating namin sa parking lot ay dumaldal pa din siya ..

" ang laki talaga ng school na to nu? Grabe nakakatuwa kasi dami talaga nagaaral dito"  ... Blah blah blah di ko na pinansin bumaba na ko sa kotse at naghood ..

Bumaba na din siya naglakad na ko at yung mga babae makatili nanaman wagas .. Ewan ko ba sa mga to nakahood na nga ako tinitilian parin ... Lakas ba talaga appeal ko na kahit di nakikita mukha ko mga naiinlove parin sila..

Grabe nakalimutan ko kasama ko pala si erza pero bahala siya kung san siya mapad pad sa lawak nito.. Hanapin pa niya room niya..

" grabe famous ka pala dito rei kasi akalain mo tinitilian ka nila " sabi niya at nagdaldal nanaman

"  sige erza punta na ko sa room ko .. Eto number nung nagayos ng kotse mo .. Ingat bye " agad na ko umalis pero narinig ko na sumigaw siya ng thank you rei..

Hays mga babae talaga maingay parang si mama lang ...  Ganyan ba talaga sila??

Erza's POV

oh gulat kayo may POV ako nu?? Sxempre bida din ako nu hahaha

Ok ehem .. Grabe super laki talaga nitong school ..

Namamanol ako dito kung sabagay laking public school kasi ako .. I mean kami ... ng dalawa kong kapatid na lalaki  .. Meron kasi akong kambal na kapatid they are both boys si Erzo at Ezio .. Cute names di ba? Actually 5 yrs. Tanda ko sakanila dahil si papa nag abroad para may pang buhay samin.. Si mama naman housewife lang.. Di man kami ganoon kayaman masaya naman .. At nung umuwi si papa after 4 yrs. Na nasa japan siya nagbunga ang pagmamahalan nila ni mama at ayun nagka twin brother ako...... Any ways sorry masyado akong madaldal .. Wala masaya kasi pag kwento ka ng kwento kasi atleast nashashare mo feelings mo at di ka pa matutuyuan ng laway hahaha choss..

Eto na nga at dito sa school tnx talga dun kay rei na tahimik .. Rei na walang bibig kundi ang tumungo .. Yumuko magtago sa hood niya haha..

Pero infairness gwapo siya bagay naman pagiging tahimik niya sakanya kaso nakakabagot kaya kinaylangan ko pa dumaldal para naman mawala ang bordness ko .. Para nga lang ako may kausap na tuod kasi di nagsasalita ..

So eto na nga at nahanap ko rin yung room ko nagtanung lang ako sa mga people over here ..

At ituloy natin ang background ko..

Bagong lipat lang kami dun sa bahay namin sa may executive village na yun. Super ganda dun at yung view kita mo ang bundok na parang abot kamay mo lang.. Ansaya no umasenso kami sa buhay matapos mapromote si papa bilang manager ng isang branch ng company.. Pagawaan ito ng mga jewelries..accessories and more ..

By the way yung kwintas na nailaglag ko kung san nung lumipat kami na napunta kay rei ay regalo ni papa sakin nung gumadruate ako ng high school kasi kahit papano top 1 ako sa section namin ...

So daldal ko talaga at dahil nandito na ang prof namin later na lang ulit..

---

Rei's POV

Grabe nakakastress yung araw na to halos sabay sabay mga reviews and practicals namin..

Inaantok na ko.. Dito muna ako sa kotse para makaidlip .. Di ko kaya magdrive..

Zzzz...

. . . .

( tok tok )

Nagising ako ng 6 pm sa relo ko hala yung idlip ko naging tulog..

( Tok tok )

Sino ba yun.. Makakatok kala mo pinto ng bahay kinakatok..

Ibinaba ko yung salamin ng bintana sa kotse ko..

" sir kanina pa po kayo hinahanap ni mam " sabi ni kuya roy.. Yung driver ni mama

Di ko lang siya pinansin kasi alam naman nila na di talaga ako nagsasalita ..

" sir text niyo na lang po si mam " sabi ni kuya roy at umalis na..

Ano nanaman ba problema ni mama? Kaylangan ipahanap pa kay kuya roy?

Kinuha ko cp ko at pag tingin ko ay madaming text at call si mama...

So ibig sabihin mahimbing tulog ko?..

Makauwi na nga ..

---

Pag dating ko sa bahay..

" anak naman bakit di ka umuwi agad? Ano ba pumasok sa isip mo at tumambay ka sa parking lot ng school? May problema ba? " sunod sunod na tanung ni mama

Grabe di lang naman ako nakauwi agad dahil sa pagod  ...

" ma pagod po ako " sabi ko

" anak hanggang kelan ka ganyan? Dati di ka naman tipid magsalita tapos masayahin at di ka nagtatago.. Hanggang kailan ka magiging ganyan? Mag move on ka na anak wala na siya at di na mababalik yun! " sabi ni mama

Aww dahil di lang ako nakauwi agad binalik na ang nakaraan?

Oo alam ko kasalanan ko kung bakit nawala siya .. Kasalanan ko dahil sa bibig ko na pag di napigilan nakakabitiw ng di magandang salita.. Kaya nga mas pinili ko na naganito ako para wala ng gulo..

" tulog na po ako ma " sabi ko at umakyat sa kwarto ko..

Susundan pa sana ako ni mama pero pinigilan siya ni kuya..

***

Thinking .. Ano kaya meron sa past? It's so mysterious haha.. Tnx po sa mga patuloy na sumusubaybay kahit unti lang ang naisusulat ko naghuhukay pa ko ng ideas para mas magustuhan niyo yung story :) chalamat ..

Mysteriously InloveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon