Tnx sa mga nagadd sa reading list nila ng story ko.. Kay mariateresateodosio at kay joycesungit .. Tnx for supporting may book :)
Rei_20
***
Papunta na sana ako sa kwarto..
" nak ok ka lang ba ? Galit ka parin ba? "
Sabi ni mama na nakatingin sakin..
Lumapit ako kay mama at niyakap siya..
" ma ok lang ako.. Di mo kaylangan magalala sakin palagi.. Wala din akong karapatan magalit sayo kasi ako rin naman may kasalanan dahil lagi ko parin naaalala yun " sabi ko pagtanggal ko sa pagkakayakap sakanya..
" anak sorry kung dahil sakin naalala mo pa yung past.. Kaw kasi laki ng pinagbago mo ehh.. Sa tingin mo ba matutuwa si yasha kung nakikita ka nyang ganyan? .. Anak move on na huh "
Sabi ni mama na nakikiusap sakin.. Grabe tamang tama yung sinabi ni mama.. Mothers knows best talaga..
" ma you don't need to say sorry... Ayoko nahihirapan ka dahil sakin kaya plss hayaan mo na ko maging ganito.. " pakikiusap ko rin..
" ok.. Ok anak basta mahal ka ni mama huh " *mwuah* sabay halik sa pisnge ko..yuck..
" ano ba yan ma" sabay punas ko sa pisnge ko..
" eto naman namiss ko lang ang baby bunso ko " pangaasar ni mama
" mama talaga.. Di na ko baby.. college na ko ehh..dapat si kuya ginaganyan mo " Sabi ko na parang napipikon..
" anak matanda na kuya mo ilang months na lang graduate na yun at malapit na magasawa yun ikaw baby ko parin hahaha" hayss si mama talaga hanggat may reason gagawa talaga ng paraan kung sabagay matagal na nga sila kuya ng gf niya na si ate Steffany Cruh..
" ok sige ma good night na tulog na ko " *mwuah* kiniss ko na rin siya sa pisnge at niyakap para naman matuwa siya kahit ngayon lang haha
Nag good night na rin si mama.. Ang saya lang sa pakiramdam dahil naiintindihan na ko ni mama sa pagiging ganito ko.. Sabi nga di ba kung mahal ka ng isang tao matatangap ka niya kahit na nagbago ka na..
Ok na clear na..la na ko problema..
Pero paghiga ko .. Naalala ko yung mukha ni erza na bumungad sakin nung nakahiga ako sa bench..
Ano kaya nanyari dun? Galit kaya siya? Nako siguro dapat magsorry ako sakanya bukas .. Pero di ko naman kasi kasalanan na sumunod sunod siya sakin yan tuloy nadamay pa sa problema ko.. .. Pero dahil wala akong pride dahil nilunok ko na yun matagal na panahon na..matutulog na muna ako.. bukas ko na iisipin yun...
----
Dito na ko sa school..inagahan ko pasok ko kasi baka mamaya pang umaga si erza at di ko na maabutan pero pagkakaalam ko pareho lang kami ng time nun ehh..
Wala akong contact ni erza at di ko rin alam kung anong room niya..kaya napagisip isip kong pumunta sa office at alamin ang course, room at sched niya..
" good morning sir ano po kaylangan niyo? " tanung ni ms.administrator..syempre magalang siya sakin dahil alam niyang anak ako ng presidente ng school haha minsan mayabang din ako ehh.. Syempre may maipagmamayabang naman ako ehh haha ..
" tanung ko lang sana kung yung mga C.O.M ( Certificate of Matriculation ) ng college student dito ay may sarili kayong kopya?" Sabi ko
" opo sir meron po kasi importante yun kasi incase po na mawala nila meron kaming extra" paliwanag niya..grabe parang si erza din to... isa lang tanung ko dami agad sagot haha..kung sabagay trabaho din nila yun..kay erza hindi trabaho yun pero kung dumaldal daig pa presidente na may SONA haha
BINABASA MO ANG
Mysteriously Inlove
Novela JuvenilLove can change anything.. ayon sa paniniwala ko pero what if you find someone perfect for you but can't tell your feelings .. kung iniisip nila na weird at mysterious ka .. wala na ba karapatan magmahal? Find out this story about a mysterious boy...
