Monday, second week of June, 2008.
Isang linggo na ang nakalipas simula nang mangyari ang gulo at ang paghayag ng nararamdaman ni Ezra kay Stella.
"Kayo na talaga?!" gulat na tanong ni Gyle kay Ezra, kahit na naghihinala na siya tungkol sa dalawa noong isang araw, kahit na inaasahan na gano'n nga ang sagot ay nagulat pa rin siya sa katotohanan- na si Ezra at Stella ay opisyal na.
Nasa canteen sila, nakaupo at kumakain ng pananghalian kasama ang buong tropa maliban kay Beatriz. Isang linggo na rin ng nakalipas nang huling makita nila ito. Nag-aalala sila para rito pero ang sabi ni Dan ay may inaasikaso lamang ang pamilya ni Beatriz at kasama ito pero naghihinala pa rin siya.
"Yes, kami na." sagot ni Ezra habang hawak-hawak ang kamay ni Stella mula sa ilalim ng mesa.
Pero si Stella ay nakayuko at humihigop ng sabaw, hindi makatingin sa mga kasama. Ramdam niyang tiningnan siya ng dalawang babae, sina Gyle at Novie.
"Oh, okay. Well, congratulations sa inyong dalawa, I hope na magtagal kayo," walang halong biro o kaplastikan nang sinabi iyon ni Gyle sa dalawa, saka muling kumain.
"Congrats, Kuya Ezra, Stella!" ngumiti si Novie sa dalawa, nag-angat ng tingin si Stella at sinuklian rin iyon ng isang ngiti.
Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin nila gusto ang nangyari noong nakaraang linggo, ang pagtatalo nila sa parking lot. Mukhang walang balak na mag-sorry si Stella sa kanila.
Well, hindi naman nila 'yon inaasahan pa dahil parang nakalimutan na nitong may atraso pa ito sa kaibigan nila.
"Are you happy, Stella?" kapagkuwan ay tanong ni Aljon habang nakatingin nang seryoso sa mukha ng babae.
"Stop staring her like that," banta ni Ezra kay Aljon habang binibigyan ito ng matalim na tingin saka inakbayan at inilapit si Stella sa kanya.
"Wow, sweet! " komento naman ni Razel nang makita ang ginawa ni Ezra saka napangiwi.
Aljon chuckled, "P're, you're being too possessive, sige ka, baka mawalan ng gana sa'yo si Stella, iwan ka," sabay halakhak nito.
Kumunot lalo ang noo at mas nagsalubong ang kilay ni Ezra nang tingnan niya si Aljon, "Oh, chill chill Ezra, hindi ka mabiro, you're too serious, I was just joking," nakangising pang-aasar pa ni Aljon kay Ezra, umiwas ito ng tingin sa kanya.
"Babe, kumain ka na, lalamig ang pagkain." mahinang sabi ni Stella sa katabing nobyo. Nilingon siya nito saka naman nagsimulang sumubo ulit. Stella gave him a sweet smile. Hinawakan niyang muli ang kamay nito at pinisil ang kamay ng nobya saka ngumiti at nagpatuloy sa pagkain.
"Uh-oh, here's the two lovers again, nako, andaming langgam tuloy!" kunwaring pinagpagan ni Dan ang sarili, nang-aasar rin.
"Oo nga!" sang-ayon ng ibang kalalakihan habang natatawa.
"Oy, tama na daw kamo sun Ezra, puro na kutitob didi ho!" pagsuway ni Jonathan sa dalawa habang pinapagpagan ang sarili.
Napangiti si Ezra, "Tss, palibhasa wala kayong girlfriend!" asar naman nito sa ibang kasama pero na kay Jonathan ang paningin.
"Wara ka daw katrato, Athan? May'on ka baga ha? Si Shakira mo!" sinabi iyon ni Barry habang nakahawak ang kamay sa balikat ng kaibigan, nilingon naman siya ni Athan na nanlalaki ang mga mata.
"In-friendzone ko na!" pasigaw na sagot ni Athan.
"Weh? Friniendzone mo o ikaw ang na-friendzone ha, Athan?" singit naman ni Earl, habang natatawa. Hinuhuli kung totoo ba ang sinagot ni Athan sa kanila
BINABASA MO ANG
My Greatest Dawn (SERIES #1) UNDER MAJOR REVISION
Teen FictionEzra James Lee-Navarro, a high school student together with his friends and their new friend, Stella Dela Cova- a flirty bitch they say.