A/N:
Lalagyan ko na ng PoV or Point of View ang main characters para hindi na masyadong malito ang bawat mambabasa nito.———
Friday, June 19, 2009
Stella's PoV
It's already 5:30 ng hapon at Acquaintance Party na namin ngayong araw. Sigurado akong nakahanda na ang lahat para sa party, pero heto ako ngayon, nakaupo at nagmumukmok sa loob ng kwarto ko. Nakaupo ako habang hawak-hawak ang kopita na naglalaman ng Red wine.
Alam kong mababa ang alcohol tolerance ko pero wala akong pake. Nakabihis na ako at tapos na ring ayusan pero heto ako, umiinom, lumuluha pa.
King ina.
Napamura ako sa isipan nang maramdaman kong pumatak na naman ang aking luha. Naiinis at naiiyak ako sa katotohanang hindi nagtext o tumawag man lang si Ezra sa akin kagabi.
Oo, sobrang babaw ng dahilan ko pero kasi ay nag-promise pa siya kagabi bago umalis.
Naiinis ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong kaalam-alam sa nangyari kagabi. Kung saan siya pumunta at kung anong ginawa niya.
Saka sino pa kaya ang kasama niya kagabi bukod kay Dan? Damn it! Binabaliw niya ako sa pag-iisip!
“I hate it,” bulong ko pa habang nakatingin sa harap ng aking salamin. Malayo man ito sa kinaroroonan ko ay kitang-kita ko naman ang pumapangit kong itsura dahil sa kaluluha ko.
“I hate this! Argh!” saka ko itinapon ang hawak kong kopita.
Dinig na dinig ko ang pagkabasag no'n nang tumama iyon sa dingding at bumagsak sa carpet ng kwarto ko.
Bigla namang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Ate Lacey. Agad siyang lumapit nang makita ako.
“Oh my God! What's wrong, Stella?!” nag-aalala niyang tanong habang nakaluhod sa harap ko't nakahawak sa aking pisngi ang dalawa niyang kamay, “Oh my God! Let's fix your make-up! Makalat na!” hinila niya ako papalapit sa lalagyan ng make-up kit ko sa harap ng vanity mirror.
Hinarap niya ako at pinaupo saka pinahiran niya ang nagkalat kong make-up sa mukha at inayusan akong muli.
Ramdam ko ang pagkuyom ng mga palad ko habang nakatingin sa sarili at kasabay niyon ay ang pagkahilo ko nang kaunti dahil nakailang shots ako kanina.
“Stella, what's wrong? Tell me,” tanong ni Ate Lacey sa akin habang patuloy pa rin na pinupunasan ang aking pisngi.
“May problema ba? Ayaw mo bang pumunta ng party?” sunod-sunod niyang tanong.
Napalunok pa ako ng sariling laway bago sumagot, “He didn't text me last night.” matigas kong sambit, binabalewala ang nararamdaman kong pagkahilo.
Kita ko ang pagkunot at pagsalubong ng kilay ni Ate Lacey sa akin, “Wh-what?! 'Yon lang?! Tapos ay nagkaganyan ka na?” hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata, “He promised to me last night na pagkauwi niya ay i-te-text o tatawagan niya ako but he didn't.” galit kong pagsumbong sa kanya, “Naghintay ako, ate. Naghintay ako!” sigaw ko pa at pumikit nang mariin.
“Shh, calm down! Ang pangit-pangit ng ayos mo. Malay mo sunduin ka niya ngayon at magpapaliwag sa'yo!” saka niya ako hinampas sa braso.
“Aray ko, ate!” paasik kong sabi sa kanya.
“Tsk! Ang babaw at ang arte mo! Hindi ka pa rin nagbabago! Maliit lang na bagay ay nagkakaganyan ka na!” paasik din niyang sabi sa akin habang binibigyan niya ako nang matalim na titig.
BINABASA MO ANG
My Greatest Dawn (SERIES #1) UNDER MAJOR REVISION
Teen FictionEzra James Lee-Navarro, a high school student together with his friends and their new friend, Stella Dela Cova- a flirty bitch they say.