Chapter 6 - Captured

25 1 0
                                    

“Nakuha namin 'tong lalagyan ng maliit na kutsilyo mula kay Ms. Collins, na siya namang ginamit para ibato sa leeg mismo ng biktima, na isa ring kriminal at drug pusher na matagal na naming tinutugis.” paliwanag ng pulis sa mga kaharap na estudyante, ang mga kaibigan 'yon ni Beatriz, sina Earl. Saka naman inilapag sa mesa ang isang maliit na lalagyan ng kutsilyo na nakapaloob sa isang transparent na plastik.

Saka naman nito inilabas ang isang swiss knife na nakapaloob rin sa isang plastik at inilapag iyon sa mesa katabi ng lalagyan nito.

“At, 'eto namang swiss knife na ginamit ni Ms. Collins ay may lason kaya gano'n na lamang kadali napatumba ang biktima na ngayon ay patay na,” nagsinghapan naman ang ilan nang marinig ang mga huling sinabi nito.

“May lason 'yan?!” gulat na gulat na tanong ni Earl sa pulis, tito niya ito. Hindi siya makapaniwala pero namamangha siya sa nalaman.

Hindi rin makapaniwala ang lahat sa narinig.

May lason iyon… therefore s-she's a killer!

Nangilabot ang buong katawan ni Stella dahil sa naisip. Hindi rin makapaniwala. At nagugulat siyang malaman na nakapatay si Beatriz gamit ang isang maliit na kutsilyo na may lason.

How did she do that?

Tanong naman ni Axel sa sariling isipan. Pa'no nga ba? Pa'nong nagkaroon ng lason ang dala-dala nitong maliit na kutsilyo? Sino ba si Beatriz? Nanlulumo siya ng sobra, sariling kaibigan ay hindi niya kilala nang lubosan. Napatingin siya kay Dan, napaisip siya, may alam kaya ito tungkol doon sa kutsilyo? Kilala kaya ni Dan ang buong pagkatao ng kaibigan nilang babae? Ang unang naging babae sa tropa nila?

Woah! She's cool!

Tanging sa isip na lang ni Aljon pinuri si Beatriz. Hindi niya masabi iyon lalo pa't nasa harap sila ng pulis.

Napatingin ang seryosong mukha ng pulis sa pamangkin niyang si Earl saka sumagot, “Unfortunately, yes. May lason ito. Hindi pa rin namin matukoy kung anong klaseng lason ang nakalagay dito, mukhang hindi basta-basta ang isang 'yon. Sa loob lamang ng ilang segundo ay maaaring mamatay ang isang tao na kung sino man ang matamaan nito, masyadong nakakatakot kumpara sa isang bala ng baril.” tumatangong ani nito.

“A-anong mangyayari sa kanya?” parang may nakabara sa lalamunan ni Dan nang itanong 'yon, doon lamang siya kinabahan ng todo, pinagpapawisan rin ng malamig ang sariling mga kamay, hindi mapakali lalo na nang maalalang natamaan ito kanina ng bala ng baril.

“Makukulong ba siya?” straight to the point na tanong ni Ezra. Liningon siya ng pulis.

“No. Hindi siya makukulong, menor de edad ang isang 'yon at isa pa, estudyante pa lamang siya. Saka maraming nagsabi kanina na iniligtas lamang ni Ms. Collins,” saka ito bumaling ng tingin at itinuro si Stella, “Itong si Ms. Dela Cova.”

Napatango naman si Ezra sa isinagot ng pulis. Nakahingang maluwag silang lahat sa narinig, pero hindi pa rin maiwasang kabahan at matakot ng ilan sa kanila, lalo na sina Barry, Prince, Axel at Stella. Hindi pa nila kilala ito ng lubosan, baka kung ano ang gawin ni Beatriz sa kanila.

Napatikom ng bibig si Stella and her hands turned out into fist. Nanggigigil na may halong kaba ang nararamdaman niya, hindi niya matanggap ang katotohanan na si Beatriz— ang karibal at kaaway niya, ang nagligtas sa kanya kanina. Napatayo siya at napadabog. Hinampas niya ang mesa gamit ang dalawang kamay at matalim na tiningnan ang mga mata ng pulis. Kalmadong tiningnan naman siya nito.

“Nararapat siyang makulong! Nakapatay siya! Paano kung kami naman ang isunod niya?! ” dala ng matinding galit kaya naisigaw niya ang mga katagang iyon, doon siya nakakuha ng lakas ng loob.

My Greatest Dawn (SERIES #1) UNDER MAJOR REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon