Chapter 5 - Accidentally In Trouble

42 2 0
                                    

“Oh, pawis na pawis ka,” si Novie iyon saka nilapitan si Beatriz para punasan ang pawis nito sa mukha at leeg. Katatapos lang nito ng huling sayaw na sasayawin nila sa para sa paparating na event, iyon ang Acquaintance Party.

Nagpapraktis kasi ito ng sayaw at talagang hinintay nina Novie at Gyle na matapos ang practice nito para sabay-sabay na silang pumunta ng Sentro at hintayin ang kanya-kanyang sundo.

Silang dalawa lang ang nakakaalam na kasali si Beatriz sa mga mananayaw ng eskwelahang iyon. Tinatawag silang Gallariea's Bests, kung bakit iyon ang itinawag sa kanila ay dahil para maiba naman raw.

“Here's your water, ” si Gyle iyon saka inabot ang tumbler at binuksan naman iyon ni Beatriz para uminom.

“Nasaan sila?” kapagkuwan ay tanong niya nang matapos uminom.

Nilingon niya si Novie, “Ako na,” sabay kuha niya sa towel at ipinunas iyon sa sarili.

“Ayon nasa Gym na raw, naghihintay.” sagot naman sa kanya ni Gyle habang nakatingin sa sariling cellphone saka ibinalik iyon sa sariling bulsa ng palda.

“Magpapalit lang ako,” nagpaalam siya sa dalawa saka pumasok sa sariling banyo ng kwarto na iyon kung saan sila nagpapraktis ng mga kasamahan sa pagsasayaw.

“Oh, Bea nasa sa iyo ang susi, hindi ba? Ikaw na ang maglock nito a, saka ingat sa pag-uwi,” saka bumaling ang babaeng nagsalita sa kina Gyle at Novie saka kumaway sa mga ito at umalis.

Nang matapos sa pagbibihis ay lumabas na siya ng banyo.

“Sino iyon?” tanong ni Gyle.

“Alin?” hindi siya lumingon dito dahil inaayos niya ang sariling bag at hinanap ang susi ng kwartong iyon.

“'yong babae kanina,”

“Ah, si Macey, leader namin.” saka siya lumapit sa dalawa, “Tara na, ” saka sila sabay-sabay na lumabas at nilock niya ang pinto.

“Pakisabi na lumabas na sila sa Gym, paparating na tayo,” sinunod iyon ni Gyle saka tinext si Earl.

“Palabas na raw sila,” tanging tango na lamang ang naisagot niya rito habang naglalakad.

“Why they're so tagal?” si Stella, halatang naiinip na kakahintay sa tatlong babae, nakakrus naman ang mga braso nito.

“Konting minuto pa, paparating na ang mga 'yon,” si Earl ang sumagot, pinanonood niya sina Ezra, Dan, Jonathan, Razel, Barry at Prince na naglalaro ng basketball. Nasa bench naman si Axel at Aljon habang si Stella ay nakatayo malapit kay Earl.

Napahinto si Ezra sa paglalaro saka patakbong humihingal papalapit sa kinaroroonan nila.

“Oh, Ezra here's your towel, you're sweating na,” sabay harang nito kay Ezra at pinunasan ang pawis nito, hindi siya inawat ng binata.

“Earl, matagal pa ba sila?” saka niya nilingon si Earl, nilingon rin siya nito para sagutin nang biglang mag-vibrate ang kanyang cellphone.

Tiningnan niya iyon saka bumaling kay Ezra.

“Lumabas na raw tayo ng Gym, they're coming.”

“Hay, salamat naman, akala ko puputi na ang buhok ko kakahintay sa kanila,” maarteng sinabi iyon ni Stella, tuloy ay nagulat siya nang hablutin ni Ezra ang hawak niyang towel saka ito lumapit sa bench at kinuha ang sariling bag.

Saka huminto siyang muli sa tapat ni Stella at tiningnan ito sa mga mata.

“Kung ayaw mong maghintay ng matagal, next time p'wede ka nang umalis. At saka pa'no kung ikaw 'yong matatagalan? E, 'di hindi ka na namin hihintayin.” saka niya ito nilagpasan at sumabay kay Earl.

My Greatest Dawn (SERIES #1) UNDER MAJOR REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon