Bakasyon na naman. Dalawang buwang mabuburyo sa bahay ang lahat. Pero sa loob ng dalawang buwang iyon ay hindi gaano ka-boring ang mga nangyari. Dahil noong bago pa matapos ang pasukan, nag-usap-usap sila na maglalakwatsa o bonding. Sumang-ayon ang lahat doon.
Sa loob ng unang buwan ng bakasyon ay tatlong beses silang nakapaggala o nagkasama-sama. At pangalawang buwan na ito ngayon, ilang linggo na lamang ay pasukan na ulit at huling taon sa High School.
Isang araw, ay nagising si Stella sa isang tawag. Bumaling siya sa kabilang gilid ng kanyang malambot na kama. Tiningnan niya ang caller. Si Ezra iyon. Napabalikwas siya ng bangon at napangiti saka ito sinagot.
"Hello," malambing niyang tugon.
"Yeoboseyo, " pagbati sa kabilang linya.
Napasimangot siya nang marinig ang boses nito, kasi 'imbis na si Ezra iyon ay boses babae ang sumagot sa kanya, pamilyar siya sa boses na iyon.
"Beatriz," plain niyang tugon rito. Narinig naman niyang natawa ng mahina ang kabila.
"Oh, bakit ka napatawag gamit ang cellphone ng 'baby ko'?" pagdiin niya sa huling salita. Nawala ang tawa na kanyang narinig kanina.
Medyo maingay pa ang kabilang linya.
"Stella," hindi niya alam pero bigla na lamang siyang kinabahan, pinalambot ang kanyang mga tuhod kulang na lang manginig iyon. Ibang-iba ang tono ng boses ng narinig niya, pakiramdam niya'y natakot siya pero binalewala na lamang niya iyon.
"A-ano ba?!" utal niyang tanong dito, naiinis din.
"Bilisan mo, naghihintay sila sa'yo. Sa bahay ni Earl." saka nito ibinaba ang tawag. Napaisip siya, ba't siya nakaramdam ng takot kay Beatriz nang banggitin nito ang kanyang pangalan? She shrugged her shoulders, baka imahinasyon niya lang iyon dahil kagigising pa lamang niya saka siya bumangon at naligo.
Nang makarating siya sa bahay ni Earl ay palabas na rin pala ang mga ito, mukhang aalis.
Inalis niya ang gamit na shades sa mata at isa-isang tiningnan ang mga ito at napangiti nang makita si Ezra.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya.
"We're going to Legazpi!" sagot ni Earl, masayang-masaya.
Nagulat siya, hindi inaasahan pero napangiti rin agad.
"Talaga?! So, we can go to a mall, and we'll do some shopping? Oh my God! I'm so excited! Buti na lang ay dinala ko ang ATM ko!" saka napatalon si Stella sa tuwa pero bigla na lamang siyang natapilok kaya naman noong bago siya bumagsak ay mabilis na nakalapit si Ezra sa kanya at sinalo siya.
Nakapikit siya at hinintay na bumagsak sa sementadong daan pero hindi iyon ang nangyari. Nagmulat siya. Nakita niya si Ezra na nakakunot ang noo nito. Tila ba hinihintay siyang umayos ng tayo. Namula siya dahil doon pero naisip niyang baka nabibigatan na ito sa kanya, umayos na siya ng tayo habang nakangiti ng malapad at nakatingin kay Ezra.
Nauna na itong maglakad habang nakapamulsa, papasok sa sasakyang gagamitin nila.
"Let's go!" sina Athan at Razel iyon, saka patalon-talong tumakbo papunta sa sasakyan at pumasok.
Sumunod na rin ang lahat at ang nahuli ay si Stella. Napasimangot siya nang makitang katabi ni Ezra si Beatriz. Nakita siya ng lahat, si Beatriz na ang nag-adjust. Lumabas siya ng sasakyan. Puno na kasi ito. Nang makababa siya ay saka namang pinatid siya ni Stella saka ito nakangiting pumasok. Muntik na siyang masubsob sa lupa, buti ay nabalanse niya ang sarili, nang lingunin niya ang loob ay walang pasintabing sinarahan iyon ni Stella.
BINABASA MO ANG
My Greatest Dawn (SERIES #1) UNDER MAJOR REVISION
Novela JuvenilEzra James Lee-Navarro, a high school student together with his friends and their new friend, Stella Dela Cova- a flirty bitch they say.