Chapter 8 - First Date

19 1 0
                                    

Thursday, third week of  June 2008, 7:23 a.m.

Walang pasok ngayon pero ang mga mag-pe-perform para sa darating na Acquaintance Party ay 'yon lamang ang may pasok, para mag-practice.

Nakaupo naman si Ezra, naroon siya sa veranda mula sa second floor ng kanilang bahay, at katapat naman ng kwarto niya ang mismong veranda.

Nagbabasa siya ng diyaryo nang biglang may pumasok na isang matandang babae.

“Anak, narito na ang kape mo, naglagay na rin ako ng ilang sliced bread at Nutella, kung sakaling magutom ka,” si Yaya Teresidad iyon. Ang butihing mayordoma ng kanilang bahay.

Napahinto siya sa pagbabasa at nilingon ito saka ngumiti.

“Good morning, 'nay,” pagbati niya sa itinuturing na ikalawang ina.

Ito na rin ang nag-alaga sa kanya sa loob ng sampung taon dahil masyadong busy ang kanyang mga magulang sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya. Pero hindi naman siya nito napapabayaan. Nasusunod pa rin kung ano ang gusto niya at pinagbibigyan din siya ng mga ito, pambawi marahil sa mga naging pagkukulang nito noong mga nagdaang taon.

Ngumiti ito sa kanya saka tuluyang lumapit at inilapag sa maliit na mesang pabilog na nasa gilid niya ang isang tray na gawa rin sa magandang uri ng kahoy.

“Nag-agahan na ba kayo, 'nay? Sabay ka na ho, sa'kin,” nakangiting pag-alok niya rito. Napailing naman ang matanda.

“Ay naku, hindi na anak, nag-agahan na kami ng mga kasama ko roon sa dirty kitchen. Saka nga pala, umalis na ang mommy't daddy mo kaninang alas-singko ng umaga, aba'y nagmamadali dahil may importanteng lalakarin daw,” nakangiting sabi nito sa kanya, napatango na lamang siya habang humihigop ng mainit na kape.

Nang mailapag ang sariling tasa sa tray ay kumuha naman siya ng isang sliced bread at nilagyan iyon ng paboritong palaman, ang Nutella.

Saktong unang kagat pa lamang niya ay tumunog bigla ang kanilang telepono. Saka ito dali-daling inabot ng matanda at ibinigay sa kanya. Nagpasalamat siya rito bago sinagot ang tawag.

“Hello, babe?” pambungad na bati ni Stella sa kanya sa malambing nitong tono.

Sumenyas naman ang matanda sa kanya na ito'y aalis. Tumango siya rito bilang pahintulot.

“Good morning,” bati niya rito habang nakangiti saka kumagat sa sliced bread.

“You're having your breakfast right now? I'll call you later if you want.”

“No, no, no. Just tell me what my baby wants, I'm listenin, ” malambing niyang tugon dito.

“Oh, okay. By the way, you're not busy later, right? P'wede mo ba akong samahan sa mall? May ipinagawa kasi ang mommy na dress for me, and she told me kagabi na I should pick it up later kasi hindi raw siya makakapunta, you know, she's busy for our business. At nakapag-practice naman na ako kahapon para sa pagkanta tomorrow, kaya pinagpahinga na lamang nila ako today,” sabi nito sa kanya mula sa kabilang linya. Tumango-tango pa siya habang humihigop ng kape kahit na hindi siya nito nakikita saka sumagot.

“That's good. What time ba? I'll just fetch you there.”

“3:30 in the afternoon sana, can you make it up for me?” mas pinalambing nito ang tono, napangiti siya.

“Oh, okay. See you later, I love you,” nakangiting aniya.

“I love you too, babe!” masiglang sagot nito sa kanya saka nito ibinaba ang telepono.

Napangiti siya saka inubos ang kinakain at kape. Nagmadali siyang maligo at pumili ng susuotin para mamaya.

He just don't want na isang simpleng paglabas lang nila iyon, sa katunayan nga ay p'wedeng maging date na rin nila iyon. Mas napangiti siya saka tinawag ang mayordoma.

My Greatest Dawn (SERIES #1) UNDER MAJOR REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon