Chapter 1 - The Transferee

42 3 0
                                    

Year: 2007

"Oy, Emilia!" tawag pansin ni Axel sa papalapit na si Emilia sa kanilang gawi na nagpapagpag ng sariling palda dahil medyo basa iyon dahil sa ulan. Hindi kasi siya nagpapayong kapag pupunta ng kabilang building. Umangat ang kanyang  tingin pagkarinig sa boses ni Axel saka kumaway siya at kinawayan rin siya nito pabalik habang nakangiti sa isa't isa.

Nakalapit na si Emilia sa gawi ng boys. Mga kaibigan niya ito simula grade-8 pa lamang at ang iba ay ngayon lamang. Naroon na rin si Shane, ang kaklase niya. Tita kasi iyon ni Earl pero mas matanda si Earl ng ilang buwan.

"Ohayooo!" pagbati niya sa lahat habang nakangiti saka niyakap si Axel.

"M-morning. H-hey, I can't breath." Saad ni Axel dahil napahigpit ang yakap sa kanya ni Emilia.

Kumalas ito nang bahagya pero nakapulupot pa rin ang braso niya sa bewang nito saka niya inangat ang tingin para tingnan ito habang nakangiti.

"Miss kasi kita!" sabay tawa niya at niyakap na naman niya itong muli.

Binati rin siya ng iba, saka siya kumalas sa yakap.

"Morning, Ate Emilia!" bati sa kanya ng kanyang Kuya Razel.

"M-morning!" sinadyang inutalan ni Barry iyon at kunwaring umiiwas kay Emilia dahil alam niyang hahampasin o kukurotin siya nito. Napakasakit kasi niyon kapag si Emilia na ang bumanat sa kanya.

"Morning, Lia." Binati siya ni Ezra in a monotone way, habang na nakatingin ito nang diretso sa mga mata niya, hindi man lang ito nakangiti pero si Emilia ay nakangiti saka niya niyakap si Ezra at niyakap siya pabalik nito. Hinigpitan iyon ng huli at ngumiti. Saka kumalas ng yakap sa isa't isa.

Napatingin si Emilia kay Shane at binati ito, tanging pagtango at tipid na ngiti ang iginawad sa kanya nito kasabay ang pag-'hmm' nito.

Maya-maya pa, habang nasa harapan ng dalawa, nina Dan at Ezra si Emilia, kausap niya ang dalawa at pilit naman nilang inaagaw ang hawak na cutter niya, nakabukas pa naman iyon at hawak ni Emilia ang mismong blade niyon. Binibiro niya kasi ang dalawa pero walang tiwala sa kanya ang dalawa kapag may hawak siyang patalim.

"Akin na 'yan!" si Dan habang pilit na inaalis sa kamay ni Emilia ang cutter. Diniin ni Emilia ang hintuturo para iatras ang blade ng cutter para hindi siya masugatan.

"Lia, akin na. Bitiwan mo na, please. Lia, please," as usual monotone ang dating ng boses ni Ezra habang pilit na binubuksan ang kamay niya.

"Akin na kas—i!" napasigaw si Dan sa huling salita dahil sa matutumba si Emilia. Buti na lamang at nasalo nilang parehas ni Ezra siya bago pa bumagsak si Emilia sa harapan nila, magkabilaang braso ang hawak nilang dalawa, at napalingon silang tatlo sa babaeng tumakbo na napahinto sa tapat ng pintuan ng room nila at nakatingin din ito sa kanila.

Napalingon ang lahat ng barkada sa kanila dahil sa pagsigaw ni Dan at tiningnan rin ang babaeng tumakbo na nakahinto na ngayon.

"Oh my God! Emilia, are you okay?" tanong agad ni Shane at tinulungang umayos ng tayo ito. Napatango siya rito.

Nakalingon pa rin ang boys doon sa babae.

Naramdaman na lang ni Emilia na parang humapdi ang kamay niya at ang kanyang tagiliran. Tiningnan niya ito nang dahan-dahan, saka agad na inalis ang tingin dito. Pilit na itinago ito gamit ang panyo mula sa bulsa ng palda saka itinago ang cutter sa bulsa.

"Miss, okay ka lang ba?"

"Medyo basa ang uniform mo miss."

"Miss, 'eto oh, hiramin mo muna, balik mo na lang mamaya," sabay abot ng jacket ni Axel doon sa babae, inabot naman 'yon ng babae at nilagay sa likuran.

"Ba't ka ba tumakbo kanina?" tanong ni Ezra sa seryosong tono at mukha.

"Ah, kasi akala ko l-late na ako, " sagot nito habang nakahawak pa rin sa jacket na ipinahiram sa kanya ni Axel.

"Saan ba ang room mo, miss?" tanong ni Dan.

"D-dito," turo sa kaharap na room.

"Ah, magkaklase pala tayo," si Razel.

Napalingon na lamang si Emilia sa kaharap nitong building, sa gilid, iyon kasi ang building nila ni Shane. Wala siyang payong na dala, saktong lumakas na naman ang ulan, at humangin nang napakalamig, napayakap siya sa sarili, wala rin kasi siyang dalang sariling jacket, nakalimutan niyang magdala. Napatingin siya sa room nila, papasok na ang teacher nila para sa first subject.

Napatingin siya kay Shane, nauna na pala itong bumaba, hindi man lang ito nagsabi sa kanya. Nagpaalam na siya sa barkada.

Lumingon siya sa kanila, "Bye, guys!" masiglang paalam niya pero walang lumingon kahit na ni isa kanila sa kanya at inulit niya ang sinabi, pero wala pa ring lumingon dahil busy na ang mga ito na makipag-usap sa babae na mukhang anghel sa paningin nila, maputi at makinis ang balat nito saka balingkinitan ang katawan, pointed nose pa, sakto lamang ang kapal ng kilay at haba ng pilikmata, pinkish rin ang labi nito, kissable lips kumbaga, at halatang malaki ang hinaharap nito. Napangiti na lamang siya saka nagsimulang umalis, hawak-hawak pa rin ang tagiliran niya na may nakalagay na panyo.

Napalingon sa kanya ang babae nang malapit na si Emilia na lumiko sa hallway. Nakita ng babae ang tagilirang hinahawakan nito, napatawa siya nang bahagya sa nakita at napaturo siya rito, may kaunting bakas kasi ng dugo ang palad nito, akala niya'y nireregla ang babaeng naglalakad palayo. Napalingon naman ang boys at saktong nakaliko na si Emilia para bumaba, napakunot na lang ang kanilang noo dahil doon. Saka ulit nila nilingon ang babae, sakto namang dumating na ang teacher nila at kailangan nang bumalik ni Axel at Aljon sa kabilang building.

"Okay, class, good morning. Today we have a new student here, in this class," saad ng teacher at itinuro ang babae. Saka ito tumayo at ngumiti.

"Please, introduce yourself here in front." Nakangiting sabi nito saka naman naglakad paunahan ang babae para magpakilala.

Habang naglalakad papuntang unahan ay biglang nahulog ang jacket na nakapatong sa likuran niya at saktong si Ezra ang pumulot nito nang yumukod siya. Napatingin siya rito saka ngumiti nang matamis.

Tiningnan lang siya nito, saka ibinigay ang jacket sa kanya. Pumunta na siya sa unahan upang magpakilala. Nang makatayo na siya ng tuwid sa unahan ay pinasadahan siya ng tingin ni Ezra mula ulo hanggang paa. Typical Ezra.

"A pleasant morning to everyone, I'm Stella Dela Cova. Please be good to me," pagpapakilala nito habang nakangiti. Nilibot niya ang paningin sa mga kaklase, at napahinto ito nang si Ezra na ang kanyang nakita, ngumiti ulit siya nang matamis at kinagat ang pang-ibabang labi at pasimpleng kinindatan ito.

"You may now go back to your seat," utos ng kanilang teacher.

Naglakad na pabalik si Stella sa kanyang upuan pero bago iyon ay bahagyang lumapit siya kay Ezra, napatingin din ito sa kanya, pilyong ngumiti siya para dito, saka tiningnan ang labi nito and she even lick her lower lip, animo'y nang-aakit ito, napakunot naman ng noo si Ezra sa turan nito sa kanya, but he looked at her lips, licking the lower lip by it's owner. Ilang sentimetro na lamang ang layo ng kanilang mga mukha sa isa't isa, buti nga ay nakatalikod ang kanilang teacher na nagsusulat sa board. Nakatingin na rin sa gawi nila ang karamihan sa mga kaklase nila at nakangisi pa, kulang na lamang ng popcorn, parang romance ang genre ng pinapanood nila sa mga oras na iyon.

Inilapit niya ang labi sa tenga ni Ezra saka bumulong gamit ang malanding tinig, "Please be gentle to me, and I'll be good to you," bulong nito habang nakangisi saka siya naglakad pabalik sa bakanteng upuan.

Parang nanindig ang balahibo ni Ezra nang marinig ang mga katagang iyon na nagmula mismo sa bibig ng babae, kanina nga'y nang bumulong ito sa kanyang tenga ay napakainit ng hininga nito, hindi niya alam kung bakit ay napakasarap niyon sa kanyang pakiramdam. Gusto niyang maulit ang ganoon. Gusto niyang iparamdam at iparanas ang isang kakaibang bagay sa babaeng bumulong sa kanyang tenga.

Nang makabalik sa sariling upuan si Stella ay nakita niyang tinutukso ito ng mga katabi si Ezra at itong lalaki naman ay bahagyang natatawa pa't inaawat ang mga katabi.


———
READ, ENJOY, VOTE, AND FOLLOW. THANK YOU!

My Greatest Dawn (SERIES #1) UNDER MAJOR REVISIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon