Me: Grace! Napanood mo na ba 'yung bago nilang kanta? Aaaakkkk sheeemay ang ganda!!
Grace: Oo XD HAHAHA! Grabe ang outfit ni Dea! Tapos 'yung make-up ni Suzy! Gayahin natin!
Me: Make-upan mo ako! Sa sabado hshshs! Ilang beses ko nang pinanood 'yung MV! 'di ako magsasawa!!
Grace: Trending sila sa Twitter ngayon! Nakita mo na?
Me: oo! Walang hiya nga may mga bashers! Nakipag-away ako doon sa isa. Mga impakta sila! -_-
Grace: Tangina eh, noh! Hindi kasi mga mahal ng magulang nila :D
Me: basta kay Suzy ako! <3 sa Sabado ah! Hahaha
Nang matapos ang chat namin ni Grace, bumalik ako sa Youtube at pi-nlay ulit ang bagong kanta ng Girl's Republic na Live and Love. Girl's Republic are a Thai girl group consisting of members Suzy, Ari, Maya and Dea. Singer silang lahat pero pinaka-favorite ko si Suzy. Rapper, singer and dancer siya sa group. She has a cute smile. Favorite ko ang outfits niya, hair color and everything! I aspire to be like her in the futre. Si Maya naman nagra-rap din saka kumakanta. Actually lahat sila sobrang talented at magaganda. Almost 3 years of being a trainee is not a piece of cake.
"Jia!" tawag sa akin ni Grace pagkapasok ko sa classroom namin. Agad akong napalingon sa likurang bahagi ng room at nakita ko sina Grace, Letty at Jessa. 'Yung iba ko namang mga kaklase abala sa pagsi-selfie at pagki-kwentuhan.
Dali-dali akong pumunta sa kanila para makasagap ng balita. "May dance practice na sila!" excited na sabi ni Jessa sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko. Gusto kasi naming i-cover 'yung sayaw sa Youtube. "Tara, panoorin natin!"
Pi-nlay ni Letty ang dance practice video sa phone niya at pilit naman naming ginagaya ang mga steps kahit kakapanood pa lang namin. Hay naku! Wala akong masabi. Solid Girl's Republic fan talaga ako! Solid Suzy fan forever!!!
"Nabalitaan niyo na ba 'yung GR event?" tanong ni Grace habang nagla-lunch kaming apat. Adobo lahat ang inorder namin tapos 1 cup of rice. Nakaupo kami sa gilid ng cafeteria. Hindi naman ganoon karami ang mga estudyante kasi dalawa ang lunch time sa school. As usual, kaming mga Grade 12 ang laging huling nagla-lunch.
Si Grace ay parang si Dea. Wala lang. Feeling lang niya siya si Dea sa Girl's Republic. 'Yung mga outfit niya, Dea inspired. Pero true fans kaming lahat.
"May date na ba?" tanong ni Letty. Sa grupo namin, si Letty ay parang si Ari. Pinaka-iniidolo niya si Ari and one of the reasons is kaparehas daw niya ito ng personality. Kumbaga, kung ordinaryong tao lang si Ari, magiging magkasundo sila kasi parehas sila ng hilig at ugali.
"Next month daw pero tentative pa ang date," sagot ni Jessy. Favorite naman ni Jessy si Maya kasi para sa kanya, si Maya ang pinaka-maangas ang galawan sa grupo. Magaling din kasing sumayaw 'tong si Jessy. Muntik pa nga kaming magtalo noon kung sino ba ang mas magaling, eh. Kung si Suzy ba o si Maya.
"Pupunta ako. Punta tayo, ha?" yaya ko sa kanilang tatlo. Ako naman si Suzy, este, si Jia pala. Hehe! Wallpaper ko siya sa phone ko saka pictures ni Suzy ang gamit ko sa profile photos ko sa Twitter, FB and IG.
BINABASA MO ANG
Deaf Ears
Short StoryDeaf Ears is an anthology series that talks about different individuals and their bizarre lives. Each episode has a different cast, a different setting and a different reality. Inspired by Black Mirror/Girl from Nowhere.