My Boo

3 0 0
                                    

Ang ganda na agad ng umaga ko. Alam mo 'yung pakiramdam na isang tingin ko lang sa kanya, parang okay na lahat. Na parang burado na ang mga problema ko. Tapos kapag ngumingiti siya, parang yelo akong natutunaw. Siya 'yung may ngiti na kayang paarawin ang maulan na panahon. If you think exagge ako, then slight. Pero 'yun talaga ang nararamdaman ko para kay Jenny.


"Ayan ka na naman, Paul! Kaya ka naba-basted, eh!" sabi ni Josh sabay batok sa akin. Hindi pa nagsisimula ang klase at nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nakikipagkwentuhan kasi si Jenny sa labas ng classroom so ako naman nakamasid lang sa kanya.


10 minutes pa bago magsimula ang klase at hindi pa ganoon karami ang mga estudyante sa loob. Buti nalang dito sa tabi ng bintana in-assign ni Mrs. Lopez ang upuan ko. Madali kong natatanaw si Jenny. 


Una kong nakita si Jenny sa palengke kasama ang nanay niya. Namamalengke sila. May pwesto kasi kami doon tapos minsan kapag hindi busy, tinutulungan ko sina mama at papa na magtinda ng mga gulay at isda. Sakto nakita ko siya. Tapos hindi ko ine-expect na magiging schoolmate ko siya. Lumipat lang yata sila rito last year or 2 years ago. Hindi ako sigurado.


"Basted eh hindi pa nga nanliligaw," mahina kong sagot habang hawak ang ulo ko.


"Alam na naman natin 'tol kung saan yan pupunta," sagot ni Josh saka umupo sa likuran niya. "May homework ka sa Earth Science?" Kinuha niya ang libro at ballpen sa bag niya.


Napatingin ako sa katabi ko na si Rissa na saktong gumagawa ng homework sa Earth Science. Agad kong sinenyasan si Josh at tinuro si Rissa gamit ang labi ko.


"Hi, Rissa! May extra ballpen ka?" tanong ni Josh para ma-distract si Rissa. She looked at Josh and rolled her eyes. Saka kinuha ang ballpen sa bag niya. Madali naman akong nakasilip sa libro ni Rissa since multiple choice lang naman ang homework.


"Bobo mo, Josh! Pumapasok ng walang ballpen," sagot ko habang palihim na kumokopya kay Rissa. "Rissa, 'wag mo ngang pahiramin!" gatong ko.


Inangat ni Rissa ang ulo niya at nahuli akong kumokopya sa sagot niya. P A T A Y!


"Mga gago!" Tumingin sa aming dalawa si Rissa. Hinagis ni Rissa kay Josh ang ballpen. "Oh, ayan! Letse!" sabi niya saka sinagutan ulit ang libro. "Mga istorbo!"


"Grabe ka naman, Rissa," sabi ko. I pouted.


"Hoy, Paul! Ayaw ni Jenny ang mangongopya kaya umayos ka!" sagot niya. Hindi pa rin inaalis ang mata sa libro.


"Oh? Close kayo?" Bigla akong na-excite! Eto palang katabi ko pwede maging tulay sa amin.


Umirap siya sa akin. "Oo, bakit?!"


"Lakad mo naman ako. Sige na!"


Binaba ni Rissa ang ballpen niya saka inis na tumingin sa akin. "Choosy siya! At for sure hindi ka niya pipiliin kasi mukha kang CHOO-yanak!"


Narinig ni Josh ang usapan at natawa ng sobrang lakas sa sinabi ni Rissa.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Deaf EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon