When Pigs Fly

5 0 0
                                    

I am Maxine. 18 years old. Kaka-graduate ko lang ng high school at heto, university student na. Mass Communication ang pinili kong course kasi 'yun din ang napiling course ni Cedric. Joke lang! Hehe! If you are wondering kung sino si Cedric, siya lang naman ang nag-iisa kong boyfriend!


"Huy!' batok sakin ni Emily saka naupo. "Kanina mo pa tinititigan si Cedric! Umayos ka nga!" Nasa loob kami ng classroom at naghihintay kay Mr. dela Cruz, ang professor namin.


Emily is my best friend since high school. Parehas kami ng hilig kaya tingnan mo, parehas din kami ng course. Kung lalaki lang 'tong si Emily, naku! Hindi ko 'to papatusin. Siyempre maganda na marami kayong differences ng partner mo, di ba? Hindi 'yung gusto niya, gusto mo rin. Ayaw niya, ayaw mo rin. Parang ang boring ng magiging takbo ng relationship niyo kapag ganoon.


When it comes to Cedric naman, hindi ako masyadong sigurado. He is really a private person although marami siyang friends. Wala siyang social media accounts. He studies a lot. Tahimik but he jokes with his friends from time to time. Bali-balita noong high school na kalandian niya si Chesca. Sobra akong nagselos noon. Feeling ko nga na-depress ako, eh! He is my long time crush kasi kaya siguro ganoon nalang ang impact niya sa akin.


Napahawak ako sa ulo ko pagkatapos niya akong batukan. Nakahalumbaba lang ako at nakatitig kay Cedric bago dumating 'tong bruhang to. "Grabe! Ang lakas ng batok, ha! 'Pag ako lang talaga nagka-amnesia, sige ka!" Nilabas ko ang libro at ballpen ko sa bag ko at ginawa rin ni Emily 'yun.


"Exagge mo, ghorl! Kumusta na 'yung weight loss challenge mo?" tanong niya habang nagbabasa-basa sa libro.


I sighed. "Hirap! Hindi ko kaya!" Umub-ob ako sa mesa. "Ang hirap pumayat!"

"Sabi ko naman sa'yo, gawin mong inspirasyon si Cedric sa pagpayat mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sabi ko naman sa'yo, gawin mong inspirasyon si Cedric sa pagpayat mo. Para mapansin ka niya. Tanda mo ba kung gaano ka-slim si  Chesca?"


Inangat ko ang ulo ko and then I rolled my eyes. "Huwag mo ngang banggitin 'yung pangalan niya! Nanggigigil ako, eh! Baka pati siya kainin ko!" banta ko.


"Sana noon mo pa ginawa noong naglalandian sila," sagot naman niya sabay dating ng professor namin. Agad tumahimik ang klase.


Kung ang Kpop fans ay sobrang adik sa mga iniidolo nila, ako naman sobrang adik kay Cedric. Boyfriend ko siya pero hindi lang niya alam. Hehe! Tinry ko naman magpapayat. Nag-gym ako noong bakasyon pero when uni started, natigil din. Ngayon namang university student na ako, puro aral. Puro presentation. Puro sulat. Kaya wala ng panahon sa gym. Meron siguro pero bago pa ako pumunta ng gym, pagod na ako sa dami ng ginagawa. You might think this is just an excuse, pero parang ganun na nga :D


"Maxine! Narinig mo na ba? Sasali raw si Cedric sa Talent Night!" bungad sakin ni Emily pagkarating niya sa cafeteria. Nagla-lunch ako ng adobo at sinigang at may milk tea pang kasama.


Deaf EarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon