F I L E #2
Raven Terry
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Kahit gusto kong kunin ang aking cellphone para makapagrecord ng ebidensiya ay nanatili akong nanigas sa pwesto ko.
"Uy, wag kang maingay may taong natutulog sa taas oh," Rinig kong sabi ng isang boses ng lalaki.
Shit. Kung makikita ko lang sana ang itsura nila edi mapapadali ang imbestigasyon. Ngayong nakikita nilang may tao, malabo nang mangyaring manatili pa sila dito.
"Shit, Oo nga. Kailangan nating mag-usap sa walang taong lugar. Kailangang magkapareho lang tayo ng sasabihin sa questioning mamaya sa mga pulis. Huwag kang magpapahalata okay?" Sabi ng isa pa niyang kasamahan. Matapos ng kanilang pag-uusap ay nakarinig na ako ng papaalis na mga yabag. Kaya agad kong idinilat ang mga mata ko at agad na tumalon mula sa taas ng puno. Medyo mali ang pagkabagsak ko pero hindi ko na ininda ang sakit dahil nagbabakasakali ako na maaabutan ko pa sila.
Ngunit sa kasamaang palad ay, hindi ko na sila nakita. Bagsak ang balikat kong bumalik muli sa classroom. Paika-ika akong naglakad sa classroom dahil nararamdaman kong masakit na ang mga paa ko pero hindi ko nalang ito pinansin.
Pagbalik ko sa classroom ay nakaupo na ang iba kong kaklase, kaya naupo nalang ako ulit sa bakanteng upuan na makikita ko. Walang lingong-lingon akong umupo at tumingin muli sa bintana para mag-isip.
Kung kukuwestyunin nga sila ng mga pulis maya-maya, pwedeng iyon ang dahilan kung bakit magkikita kami ni Hiro. Tama nga si Hiro na may foul play na naganap. Ang kailangan lang namin ay ebidensiya.
Nawala ako sa pag-iisip nang mapansin kong may taong nakatayo sa harapan ko. Walang gana ko itong nilingon at nakita si Isabella Dawn na malapad ang ngiti sa akin. Bumuntong hininga nalang ako dahil alam ko kung saan ito papunta.
Tama nga ang hinala ko at tumabi ito sa bakanteng upuan na nasa kanan ko. Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy nalang sa pag-iisip habang tumitig ulit ako sa bintana. Napabalikwas ako nang biglang pumasok ang isang matangkad na lalaki, na medyo matipuno ang katawan. Maputi ito at medyo messy ang hair. Mapapansin mo ang piercing nitong itim sa kaniyang tenga at ang seryosong aura nito.
Agad namang nag-ingay ang classroom na sensyales na pinagpipyestahan na nila ang lalaki sa harapan namin.
"Ang pogi naman dai." Rinig kong sabi ng isa kong classmate.
Nakapoker face lang ang bagong dating na lalaki at pumwesto na sa harapan matapos mailagay ang mga gamit sa table. So, siya ang professor namin?
"Where's the President?" Seryoso paring tanong nito, at agad nagtaas ng kamay ang aming President. Pumunta ito sa harapan at kinausap si Sir. Tumango-tango lang si Imee at saka umupo na ulit. Tumayo naman ang Prof namin at nagsimula nang magsulat sa white board.
Ang kaninang nag-iingay kong mga kaklase ay ngayo'y nananahimik na dahil nakakakaba nga ang taong nasa harapan namin. Nilabas ko na ang notebook ko para isulat ang isinusulat nito sa black board. Humarap ito sa amin at umupo muna sa teacher's table.
Agad kong tinignan ang nakasulat sa white board at nakita ang isang pamilyar na pangalan.
'Haruko Orosa'
Where did I heard that name again?
*
Kasalukuyan akong nasa backdoor habang hinihintay si Hiro. Maagang nagdismiss ang aming Prof kaya maaga rin kaming nakalabas. Maraming nakikipag-usap sa akin at niyayaya akong sumabay sa kanila ngunit agad akong tumanggi sa mga ito kaya nandito ako ngayon sa backdoor.
BINABASA MO ANG
Ms. Terry's Mistery Files
Mystery / Thriller-completed- Photo not mine but the cover is from @_umaga Thank you so much! 😍 The real one... Raven Terry is not the typical college girl. She don't socialize, and she hates a lot of people. One day she met a mystery-addict who had a dream of unr...