F I L E # 22
King
*Warning SPG*
(read at your own risk)Naalala ko pa noong bata ako.
Maganda naman ang buhay. Masaya ako kasama si Ate, si Nanay at Tatay.
Si Nanay ay isang doktor sa isang ospital, samantalang isang pulis naman si Tatay.
Natutuwa ako na sila ay nakakatulong sakanilang kapwa.
Noong bata nga ako iyon ang gusto kong maging kapag lumaki ako.
Isa akong pitong taong gulang noon, kakapasok ko lamang galing sa paaralan ng makarinig ako ng mga nakakatakot na ungol. Hinanap ko iyon dahil nag-aalala ako na baka nasa panganib ang aking pamilya. Dahil isa lamang akong maliit na bata, at kabisado ang pasikot-sikot ng bahay, alam ko kung saan ako magtatago.
Nang malaman ko kung saan nagmumula ang ungol ay agad akong gumawa ng paraan para magkasya sa maliit na siwang para hindi ako makita.
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang makita ang isang lalaking nakasuot ng pulis uniform na nasa ibabaw ng nanay ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila pero alam ko lang na wala na itong salawal at ganoon rin ang Nanay. Nakikita kong masaya ang lalaki sa kaniyang ginagawa samantalang hindi ko maipinta ang itsura ng nanay.
Ako ay siguradong hindi iyan ang aking tatay dahil mas gwapo ito at hindi siya nakakatakot. Sabi ng Tatay, ang mga pulis raw ay mapagkakatiwalaan. Pero bakit hindi masaya ang Nanay?
Gusto kong sumigaw at gusto kong magalit sa lalaking nasa ibabaw ni Nanay, masaya itong umiindayog na para bang nakasakay sa isang kabayo. Hindi ko alam pero mayroon akong takot na naramdaman kaya hindi ko nagawang ipagtanggol ang Nanay. Nang umalis ang lalaking pulis, buong araw na hindi lumabas ng kwarto ang nanay, at buong araw ko rin siyang pinanonood sa kaniyang kama habang umiiyak. Pagsapit ng gabi ay naghanda na ito sa kaniyang pagpasok na para bang walang nangyari sakaniyang karumal-dumal.
Kinabukasan, nahuli ko si Nanay na umiiyak sa kusina habang nagluluto ng umagahan. Kagagaling niya lamang sa trabaho at kitang-kita ko ang pagkapagod niya. Araw ng sabado iyon kaya hindi ko kailangang iwan ang Nanay.
Sinamahan ko lamang siya buong araw at pinanood na magpahinga.
“Anak, ayaw mo bang maglaro? Ayos lang ako rito.” Malambing na tanong nito nang mahuli niya akong nakatitig sakaniya.
“Ayos lang po ako dito Nay.” Sumbat ko.
Nakita ko lamang ngumiti ito ng matamis bago ako niyakap at natulog muli.
Isang buwan ang lumipas at hindi ko na nakita pa ang pulis na nagpapahirap kay Nanay, ngunit isang buwan na ring hindi nagpapakita ang Tatay. Laging tumatawag ang Nanay sa kanilang boss ngunit ang sabi lamang ay may kailangan siyang gawin sa presinto.
Doon na napuno ang nanay at sinamahan namin siya ni Ate na pumunta sa presinto. Nang makarating kami doon ay bumungad sa amin ang lalaking nagpapahirap kay Nanay. Narinig ko lamang na siya pala ang may pinakamataas na posisyon sa istasyon na iyon.
“Anong ginawa niyo sa asawa ko?” Tanong ng Nanay rito.
Ngunit imbes na magsalita ang pulis ay nanahimik lamang ito at ngumisi na para bang demonyo.
“Malalaman mo sa balita mamaya.” Malamig na sabi nito na ikinakaba ng Nanay.
Agad kaming umuwi at malalamig ang kamay na hinintay ang balita.
BINABASA MO ANG
Ms. Terry's Mistery Files
Mystery / Thriller-completed- Photo not mine but the cover is from @_umaga Thank you so much! 😍 The real one... Raven Terry is not the typical college girl. She don't socialize, and she hates a lot of people. One day she met a mystery-addict who had a dream of unr...