Sa pagdating ng dilim sa kalangitan,
Kasabay ng pagbilis ng hampas ng hangin sa kalawakan,
Kandilang tanging kinukuhanan ng ilaw,
Biglang nawalan ng apoy nang matunaw.Mga kamay na nanginginig,
Bumilis ang tibok ng puso sa narinig,
Tinig ng aking inang nagmamadali,
Sinusuyo ang hangin upang makahingang mabuti.Kanyang mukha'y aking di mabatid,
Biglang pumasok sa tahanan si amang naghatid,
Sa aking inang kanya ring hinilang palayo,
Papunta sa kanilang silid; mga luha ng aking ina, puso'y gumuho.Pagsikat ng araw ako'y lumabas,
Sa aking silid at tumanaw sa butas,
Aking inang maputla ang katawan ay nakahilata sa sinag ng araw,
Ako'y nalunod sa pighati nang malamang siya'y pumanaw.This poem is honestly hard for me since this talks about a very sensitive topic, abuse; so I would like to plead for your patience guys as I translate this one because I really want to do justice on this poem.
For those who understood, any thoughts?
YOU ARE READING
A Piece in My Heart
Puisi"A heart that contains feelings that are left unsaid so it took a pen to cry it all out"