PAK 7.1 : meet them

197 21 5
                                    

[A/N]: Jusme! ang tagal kong di nakapag UD pasensya na po ! Masyado kong naenjoy ang paglantak ng pagkaen samen XD BTW guys thanks sa mga reads and votes na natanggap ko! Atlis sa loob ng two moths na pagsusulat ko naka 1K reads na ako. HOHO malaking achievement na yun para sa pilingerang otor na gaya ko. Enjoy reading! and sana po comment naman kayo HUHU! 

CHAPTER 7. 1

Yanah's POV

Gosh kinakabahan kami! Amerikano pa naman yung teacher namin ngayon sa Science subject namin. (Totoo to, kasi scientist yung teacher namin -,-) Bakit nga ba kami kinakabahan? Late na kasi kami at dahil nga american man yon, englishero yun, syempre magulat kayo kung nag chinese yun. so yon, sino samin magpapaliwanag, nosebleed pa akmi nito kung nagkataon. T_T

"Okay Kris kaya mo yan! Nandito lang ako sa likod mo. Dali na makipag usap ka na kay Sir Michael." -Ash 

Gosh! bruhilda talaga ako pa mag eenglish sa amerikanong to. Sana di ako mabulol sana din kamo di kami mapagalitan.

Pumasok na kami at alam nyo naman siguro yung eksenag, pinagpapawisan kang malamig na pawis. TAhimik ang lahat hanggang makapasok ka na sa classroom nyo. Lahat ng attraction nasa inyo. ENEBE? Tas yan na magsasalita na si SIR? 

"Excuse me girls, dito ba ang classroom nyo?" -Sir?

Bakit nagtatagalog sya? bakit umitim ata sya? Maiinit ba sa America? What's happening in his classroom? Bakit di ko sila kilala? Tiningnan ko si Ash na TUMATAWA? Anong ginawa ko? 

Para akong napako sa kinatatayuan ko. SRSLY? lamunin mo na ko lupa!

Tas pinagtawanan na nila ako pati yung teacher na to. Amerikanong hilaw! Shemay ! Mali naman pala yung pinasukan naming room. Kaya naman pala ang tahimik nila. Napatakip na lang ako sa mukha ko sa sobrang kahihiyan. 

"Sorry po Sir! Nag kamali lang po ako ng pinasukan! Sorry po!" 

[A/N] :Pinasukan ng CLASSROOM ah ! 

Nagmamadali akong lumabas at hinila si Ash. Baliw talaga pinagtawanan pa ko. Kahit ako natatawa sa ginawa ko e. Nanginginig pa naman ako sa takot tas biglang mali yung classroom na pinasukan ko. Hayss malas talaga! 

Pumasok na kami sa classroom namin. Center of Distraction daw kami -___-

"Oh no! You guys are 20 minutes late." -Sir Science

"Sorry Sir we're late!" Umupo na kami agad. Nahagip naman ng mata ko yung Tiffany. Ngingisi ngisi pa. Abat pinangangalandakan yung gilagid nya. -,-

Kasabay ng pagupo namin dumating namn yung new classmate namin. Nabalitaan ko kasing Nagpalipat sya ng section dito samin. Agaw atensyon pa naman sya. Mukha syang Jose Rizal na nerd, may salamin din kasi sya. But unlike us, ang weird nya kumilos. (ganun ka din naman eXD) Ewan ko ba sa kanya kung anong nakain nya at nagpalipat sya ng section at dito pa talaga. Kung alam nya lang na parang pumasok na din sya sa impyerno. 

"Hi everyone! Im Louie Austria." diretso nyang sabi. (kamag nak daw po sya ni Seth Austria ng Walang Forever Ako si Bitter. Bashin nyo po story ni @dealwithromer21)

Hay naku, first day nya samen late sya. Naghanap na sya ng vacant seat ng may papel na tumama sa kanya. Expected ko ng magagalit sya o kaya mapapahiya, pero parang wala lang sa kanya yun. Dinampot nya pa yung papel.

Pusuan ang KamalasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon