" Nadiah! Go find your mom! Move fast!"
Dali-dali akong tumayo at lumabas ng pintuan sa pesteng silid na iyon.
"Mom!" Sigaw ko habang binubuksan isa-isa ang pinto sa bawat kwarto.
Hindi ko makita ang mommy ko,ngunit isang malaking frame ang nakaagaw ng pansin ko. Frame kung saan,may litrato nina mommy at daddy na nakangiti. Unti-unti akong lumapit sa frame na iyon, hinawakan ko ang mukha ni mommy sa litrato nang may maramdaman akong mamasa-masa. Inilapit ko ang aking kamay sa aking mga mata para makita kung ano ito. Laking gulat ko ng dugo pala ito. Kinabahan ako ng todo.
Maya-maya ay biglang nahulog ang frame. Bumungad sa harapan ko ang isang pinto. Kinakabahan ako pero parang meron sa loob-loob ko na nagsasabing kailangan kong pasukin ang pintong ito.
Pagbukas ko ng pinto, kinapa ko kung nasaan ang switch. Doon bumungad sa akin ang magandang kwarto na pinasok ko.
Pero nawala ang aking pagkamangha,nang may makita akong babaeng nakahandusay sa sahig.
"M-mom?"
Mas lumapit pa ako para maaninag ng maigi kung si mommy nga ito.
Nang mapagtantong siya nga ito agad ko siyang nilapitan.
"Mom!"
Nanginig ang aking mga kamay nang makitang may mantsa Ng dugo ang kaniyang kulay puti na damit.
"M-mom" utal na pagkasabi ko.
Naiinis ako sa sarili ko, paulit-ulit nalang ang lumalabas sa bibig ko. Wala akong magawa.
"Mom! We have to go..."
"...Dad is nothing but a demon! Hindi na siya ang daddy na nakilala ko. Galit na galit siya sa akin,pati narin sayo mom."
Natahimik ako dahil hindi manlang nagising si mommy. Maya-maya ay may bumukas ng pintuan.
"Nadiah, did you find your mom?"
Tiningnan ko lang siya, hindi na ako makapagsalita. Wala na akong masabi.
Natigilan siya ng makitang nakahandusay si mommy sa sahig.
"What happened to her?! "
"Hindi k-ko a-alam! Natagpuan ko nalang siya ditong nakahandusay"
Natahimik siya sandali at saka lumapit kay mommy. Inilapit niya ang kaniyang daliri sa Bandang Liig Ni mommy na animo'y pinakikiramdaman kung humihinga pa.
"Is she alive?" Tanong ko na may matinding kaba.
Tiningnan niya lang ako sa aking mga mata dahilan para mas lalo akong kabahan.
"Nadiah, listen to me.."
Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi.
" We have to leave this house. Nawalan ng malay ang daddy mo, heto na ang pagkakataon na makaalis ka dito."
Doon ko napagtanto na wala na nga si mommy. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Minamadali niya akong lumabas sa bahay na ito. Ang ibig sabihin ay ako lang ang tatakas, ako lang ang isasama niya. Dahil wala na nga si mommy.
"Paano yung mommy ko?! Hah?! Hoy,lalaki! Hindi mo ba naiintindihan?! Mommy ko siya!" Sigaw ko sa kaniya habang hinahampas siya sa dibdib.
"Shhh.. but your mom is gone, Nadiah. We have nothing to do with that. "
"No! Mom! Gumising ka na mom! We have to go! You have to come with us!"
Sa sandaling iyon, para bang pakiramdam ko inuubos ko ang lahat ng aking mga luha pero hindi naman. Pakiramdam ko nauubosan na ako ng lakas. Pakiramdam ko walang saysay na ang buhay ko.
YOU ARE READING
My Barristers
RandomNo description, after reading this you'll think your own description.