Jex's POV
Tahimik lang si Nadiah, habang ako naman ay nagmamaneho papunta sa bahay ng tita niya.
"Hoy"
Napatingin ako sa kaniya.
"What?"
"Para kang babae!" Kunot-noong sabi niya.
"Shut the hell up, Nadiah!" Sigaw ko pero nakatutok parin ang ang tingin sa daan.
"Nagseselos ka ba?" Biglaang tanong ni Nadiah at saka bigla kong hininto ang sasakyan sa tabi ng daan.
"What the hell, Nadiah! What are you saying?!"
"Ang sabi ko nagseselos ka ba?" Kakaiba din confidence nitong babaeng to. Parang wala lang sa kaniya habang tinatanong niya sa akin yan.
"Why would I? Tayong dalawa lang naman dito"
"Ang ibig kong sabihin nagseselos ka ba sa kapatid mo?"
"Nagseselos saan?! Sainyong dalawa? Enough with that shits,Nadiah. I'm not interested in you."
Ngumisi siya at saka tumawa ng peke.
"Bakit mo ako niligtas?"
"I have some reasons."
"Bakit kanina parang sasabog ka?ang sabi mo bawal mainlove yung kapatid mo sa akin"
"Kasi nga bawal! And believe me,Nadiah! Pagsisisihan mo kapag nalaman mo kung bakit."
"Bakit kasi di mo sabihin, para naman maintindihan ko kung anong ibig sabihin ng "BAWAL" na yan para sayo" sabi niya
"Bakit? Gusto mo na ba ang kapatid ko?" Nakangising tanong ko pero alam ko namang hindi niya gusto ang kapatid ko dahil hindi siya nagpapakita ng interes o motibo.
Pero hindi ko inaasahan ang isasagot niya...
"Paano Kung sabihin kong OO?"
Namutla ako sa sinabi niya.
"Shit! So this is it! Eto na ngaba ang sinasabi ko! Sinabi nang bawal eh!"
"Ang sinabi mo, bawal mainlove yung kapatid mo sakin, hindi mo naman sinabing bawal akong magkagusto sa kaniya" nakangising sabi niya
At mas lalo akong namutla.
"Bawal padin!"
"Sumosobra ka na Jex Blade! At bakit ba namumutla ka?"
"Kung alam mo lang mga pinanggagagawa at pinagsasabi mo, baka mas maputla pa iyang itsura mo kaysa sa itsura ko"
"Ano ba kasi? Hindi kita maintindihan!"
"Basta! Avoid him!"
"Adik ka ba?! Kaibigan ko si Blare, ba't naman ako iiwas?"
"To stop that fucking feelings of yours! You can freely hug me, you can touch me , you can come near at me, lahat yan! Puwede mong gawin, pero sa akin lang, kasi hindi puwede kay Blare. "
"Ang labo mong kausap! Ang sabihin mo, gusto mo lang matalo si Blare! Kasi mas napapalapit na siya sa akin! Kita mo na?! May pa hug-hug ka pang nalalaman!" Naasar nang sabi niya.
"At saka ang ibig kong sabihin na gusto ko si Blare, gusto bilang kaibigan! Huwag mo nga kaming sinisiraan"
"Okay, sabihin na nating, puwede kang magkagusto sa iba, kahit huwag na sa akin, kahit sino pa diyan, huwag lang si Blare." Sagot ko
"Bakit mo ginagawa ito? Bakit mo ako pinapaiwas sa kapatid mo? Tss! Kung sakali mang magustohan ko na talaga nang lubusan si Blare,huwag ka nang magtaka, hindi siya mahirap gustohin"
Mas lalong namutla ako.
Nadiah please! Hindi kita pipigilan kung alam kong hindi naman bawal! Pero bawal talaga!
YOU ARE READING
My Barristers
RandomNo description, after reading this you'll think your own description.