"Blare's POV"
Bakit ba ang hilig niyang makialam? Akala ko ba hindi siya intresado kay Nadiah?
Sabihin na nating, wala naman akong karapatan, dahil wala naman talagang spark sa amin ni Nadiah.
What the hell? Blare? May pa spark-spark ka pang nalalaman!
"Heyopp ka,Blade!" Mahinang sigaw ko.
"Shit!bawal ba? Bawal bang magkagusto ako kay Nadiah? Putangina! Hindi niya naman pagmamay-ari si Nadiah."
Nandito ako sa kwarto ko, nang biglang may narinig akong ingay sa kabilang kwarto, ang kwarto kung saan walang puwedeng pumasok kundi si Blade.
Lumabas ako ng kwarto ko, tiningnan ko ang pintuan ng kwartong si Blade lang ang maaaring pumasok.
Parang gusto kong pasukin ang kwartong ito.
Hinawakan ko ang doorknob,akmang bubuksan ko na ito.
Nang tuluyan ko na ngang mabuksan ang pintuan, dahan-dahan kong kinapa ang switch ng ilaw dahil medyo may kadiliman ang kwartong ito.
Ano bang meron dito na bawal makapasok ang kahit na sinong tao? Kahit ako.
Nakaharap ako sa pader kung saan nandoon yung switch, nang may maramdaman akong may tao sa likod ko.
"Tol? Nandiyan ka ba?" Sabi ko kahit na hindi naman ako sigurado kung kapatid ko nga ang naramdaman kong Tao.
May kurtina sa harapan ko na kapag hinawi ko tiyak na may desk table sa likod nito.
Kahit na nag-aalinlangan, hinawi ko ang kurtinang nasa harapan ko, nagkamali ako, hindi desk table ang nasa harapan ko kundi isang kingsize bed, sa gilid nito ay may computer.
Nagulat ako nang makitang may lalaking nakaupo sa computer chair.
"T-tol? Akala ko ba hinatid mo si Nadiah?"
"Get out" simpleng sabi niya, nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa computer.
"Pasensya tol, nadala talaga ako ng curiosity ko."
"I said get out"
"Okay" maikling sagot ko at saka lumabas na ng kwartong iyon.
Pumasok na ako ng kwarto ko at saka ibinagsak ang aking katawan sa kama.
"Shit! So narinig niya yung pinagsasabi ko kanina?" Bulong ko sa sarili ko.
"Akala ko ba hinatid niya si Nadiah?ang bilis naman ata?" Nalilitong tanong ko.
Binura ko muna ang laman ng aking isip at saka tuluyang ipinikit ang aking mga mata upang makatulog.
Jex's POV
Nang makarating kami sa bahay ng tita ni Nadiah, agad niya kaming pinagbuksan ng gate.
"Oh Nadiah! Nandito ka na pala? Sinong iyang kasama mo? Pumasok ka muna iho"
"I'm one of her friend tita, she stayed in my house"
" Oh salamat naman iho! Naku! Alam mo namang kay ganda nitong pamangkin ko, baka kung anong gawin ng ibang lalaki sa kaniya kaya mabuti nalang at pinatuloy mo"
"Opo tita, she's PRETTY so that she needs to be careful."
Nakita kong namula si Nadiah sa sinabi ko.
"Sige pumasok muna kayo"
Nang pumasok na kami, simple lang ang bahay, okay narin puwede na ito para sa prinsesa ko.
Wtf? Prinsesa?
Please vote and comment, para ma-Ipublish ko 'yong next.
YOU ARE READING
My Barristers
RandomNo description, after reading this you'll think your own description.