Barrister-2

9 1 0
                                    


JEX'S POV

"Ang anak ko! Tama na!"

Bigla kong inihinto ang aking motorsiklo at saka bumaba ako.

Natatanaw ko ang isang babaeng umiiyak dahil ang anak niya ay sinasaktan ng isang lalaki.

" Duwag ka?"  Tanong ko matapos dere-deretsung lumapit sa lalaking sinasakal na ngayon ang dalagang anak ng babae.

Batid kong kasing-edad lang kami ng babaeng ito.

"Sinong duwag hah?!" Binitawan niya ang babae.

Ako naman ang kaniyang nilapitan at saka itinutulak-tulak na para bang nanghahamon ng away.

" Sino pa ba? Eh ikaw lang naman yung kinakausap ko." Walang kabuhay-buhay na pagkasabi ko.

"Alam mo? Kung ako sayo, umalis ka na dito!" Galit na sabi niya.

"Ba't naman ako aalis? Natatakot ka ba?" Nakangising tanong ko sa kaniya.

"Aba! Eh gago ka!" Sigaw niya at bigla akong itinulak.

Hindi ako lumaban, masiyado kong sinasayang ang oras.

"Ano?! Hah?! Akala ko ba matapang ka?! Lakas ng loob mong makialam dito!" Sigaw nanaman niya.

"Eric! Tama na! Tigilan mo na kami ng anak ko!"

"Hindi ako titigil hangga't di mo ako binibigyan ng pera, panggastos sa bago kong pamilya!"

"Sino sa atin ngayon ang gago? Hah? Eh bumuo ka pala ng bagong pamilya ba't di mo panindigan?!" Nang-aasar na sagot ko sa kaniya.

"Hinahamon mo talaga ako hah?!"

Lumapit siya sa akin. Kinuha ang aking backpack at saka itinapon. Dinukot niya ang aking kwelyo.

Natigilan siya nang makitang may mga notebooks na lumabas galing sa backpack ko nung itinapon niya ito.

"Hah! Estudyante ka lang pala! Pero akala mo kung sino!"

"Hindi lang ako basta estudyante, kaya hilingin mo na ngayon, na sana may kakayahan kang magteleport." Nakangising sabi ko

Nakita ko ang kaniyang apelyido kanina sa Jersey niyang suot. Kaya may naisip akong paraan para mas mapadaling matapos ang laban.

Lumapit ako sa tenga niya at saka bumulong.

" Tumigil ka na, kung ayaw mong madamay ang pamilya mo. Huwag mo nang ubusin ang pasensya ko,kung ayaw mong umabot sa puntong iisa-isahin ko kayong mga La-Bro-so."

Pagkatapos kong bumulong sa kaniya ay tinapik-tapik ko ang kaniyang balikat.

Kinuha ko ang aking backpack, at saka muling tumingin sa kaniya. Nakakatawa lang dahil mukhang naduwag siya sa sinabi ko.

Naniwala din? Bwahahhaha! Uto-uto! Masakyan nga yung trip ko,dagdagan ko pa nang kaunting sindak para sa kaniya.

"Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko, Eric Labroso."

Pagkatapos kong sabihin iyan ay ngumisi ako ng nakakaloko. Nanlaki ang mga mata niya na makikita mo talaga ang pagkagulat niya.

"P-paanong nakilala mo ako?!"

Salamat diyan sa suot mong jersey.
Salamat din sa ex-wife mo dahil sa pagbanggit niya kanina ng pangalan mo.

My BarristersWhere stories live. Discover now