Nang ihinto ni Jex ang kotse hindi manlang ako tinablan ng kahihiyan. Siguro ay dahil nasanay na ako sa mga tao rito. Na kahit ayusin ko pa yung porma ko, aasarin lang rin naman nila ako.
Pagpasok palang sa gate, kinausap agad ako ng guard.
" Ba't wala kang uniform iha? Isa na iyon sa mga batas dito sa eskwelahang ito, hindi ka makakapasok pag wala kang uniporme."
"She's with me." Nagulat ako nang nasa likod ko na si Jex at Blare.
"Nobya mo iho?"
"Magiging nobya palang hoh" sagot ni Blare.
Sinamaan ni Jex ng tingin ang kapatid.
" Paano hoh manong? Papasok na kami hah?" Sabi ni Blare.
"O-oh sige iho, hindi ko naman kasi alam na kasama niyo siya." Sagot ng guard.
"Manong, papasok na po kami" sagot ko.
Nagpaalam na rin si Blare, ngunit si Jex ay tumango lang at saka pumasok, walang modo talaga.
Pagpasok palang namin, inaasahan ko nang merong magaganap na bulungan.
"What the heck?"
"Who is she?"
"The girl from section B!"
"Eww, what's with that outfit?"
"Bakit niya kasama si Blare at si Blade?
"Hi Blade!" Bati ng isang babae kay Jex.
Blade, Blare. Ano? kambal? Tss!
"Bakit kasama niyo siya?" Tanong ng babae
Nagulat ako ng sumabay sa paglalakad sa akin sina Blare at Jex.
" Masiyado kayong close sa kaniya, kaano-ano niyo ba siya?" Mataray na sabi ng babae.
Inakbayan ako ni Blare.
"Kapatid namin siya."
"Oh c'mon! Wala kayong kapatid na babae at dalawa lang kayo ni Blade."
" She's like a sister to us." Sagot ni Jex.
"I'm getting jealous Blade."
"Bakit? Kayo ba ng kapatid ko? Hah! Manahimik ka Sheila!" Sagot ni Blare.
" If you're jealous, then go on. Tss!"
Naglakad na kaming tatlo. Ewan ko ba kung bakit pinagtatanggol nila ako sa mga magandang nilalang na ito. Sa katunayan wala ako sa kalahati ng ganda nila.
"Mauuna na kami Nadiah, kita nalang tayo mamayang lunch time."
Tumango nalang ako.
Nang makapasok sa room, normal na ulit ang simoy ng hangin. Masiyadong magulo sa labas!
Dumating na ang first lecturer kaya nagfocus na ako sa magiging lessons namin ngayong araw na ito.
-lunch time-
"Kamusta, Nadiah? Binubulabog ka parin ba nila?"
"Hindi naman" sagot ko kay Blare.
"How's the lesson for today?" Biglang singit na tanong ni Jex.
"Grabe ka tol! Ano?! Teacher lang?! Teacher?!" Sabi ni Blare
"Shut your mouth!"
"Ano ba naman kayo?! Palagi nalang kayong nag-aaway eh!" Sabat ko sa kanila
YOU ARE READING
My Barristers
RandomNo description, after reading this you'll think your own description.