Nadiah's POV
Gumising ako nang maaga.
"Ang aga mo naman, Nadiah"
Naghuhugas ako ng mga plato nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Maaga akong gumising para makapagluto ng makakain" sabi ko.
"Ah, ganun ba? Sigurado ka na bang uuwi ka na sa tita mo mamaya?" Makikita ang lungkot kay Blare habang nagtatanong.
"Oo, mamayang hapon pagkatapos ng klase. Hindi na ako kakain, kumain nalang kayo ni Jex, papasok na ako pagkatapos kong maghugas ng plato"
"Hindi, kumain ka muna."
"Hindi na, wala akong gana"
"Sige na, h'wag nang makulit"
"Hindi na nga"
Ang kulit!
"Walang lalabas, pag hindi pa kumakain"
Napatingin kami ni Blare sa nagsalita.
Bakit ba ang hilig niyang sumagot sa usapan?
Napatingin ako kay Blare nang maramdaman kong nakangisi siya.
"Ayan na, kapatid ko na mismo ang nagsabi niyan, kakain ka na ba?" Nakakainsulto ang ngisi ng Blare na ito.
Nang tingnan ko si Jex, nakatingin siya saaming dalawa ni Blare na ultimong binabasa kung ano ang ginagawa namin sa kusina na kaming dalawa lang.
"Kumain na tayo" pagbabasag ni Jex sa katahimikan.
"Mauuna na kayong kumain tol, maliligo muna ako."
"No, kakain tayong tatlo" sagot ni Jex nang tuluyan na siyang makalapit sa kusina.
"Maliligo nga muna ako, mauna na kayo ni Nadiah"
"I said tatlo tayo ang kakain Blare!"
"Okay" nakangisi nanaman si Blare.
Saka siya umupo sa upuan at sinenyasan akong umupo sa tabi niya.
Nang tingnan ko si Jex masama ang tingin niya sa kapatid.
Tumawa ng kaunti si Blare at saka ngumisi nanaman.
"What?! You said gusto mong kumain tayong tatlo ng sabay,umupo ka sa harap namin" nakakainsulto kay Jex ang sinabi ni Blare.
Ayan nanaman, nakaenglish nanaman si Blare.
Umupo na si Jex, pero kay Blare parin yung tingin.
"Nadiah,kumain ka na" Sabi ni Blare at saka pinagsilbihan pa ako.
Mas masama na ngayon ang tingin ni Jex.
YOU ARE READING
My Barristers
RandomNo description, after reading this you'll think your own description.