133

45 6 2
                                    

09-10-19

5:38 pm
Acera:
acetot... sorry pala kung maaabala kita HAHAHAHA

Acera:
pero sasabihin ko na rin to sayo.

Acera:
sinubukan ko na silang kausapin kanina. umiyak si Felicity nung ni-confront ko sila. si Killian naman, nagsorry. pakiramdam daw nila purposely ko silang iniiwasan, kaya hinayaan na lang nila ako. kasi baka hindi na ako komportable sa kanila.

Acera:
pero bakit ganon? diba dapat kinausap na muna nila ako? ni hindi man lang ba sila nagtaka kung bakit ako umiiwas sa kanila? ni hindi man lang nila ako tinanong kung bakit. kung may sama ba ako ng loob, kung nagtatampo ba ako. bakit parang kinalimutan na nila ako?

Acera:
ang sakit lang kasi ilang taon ko na rin silang naging kaibigan. pero simula nong maging sila, parang unti-unti na nila akong nakakalimutan. 3 buwan na akong nagtitiis acetot, ilang buwan pa ang dapat kong tiisin.

Acera:
kasama ko nga sila minsan pero nararamdaman ko naman na parang mag-isa lang ako. para akong hangin. ang sikip sa pakiramdam, gusto kong maiyak at magteklamo sa kanila pero hindi ko magawa. sila lang yung kaibigan ko e. ilang taon yung pinagsamahan namin. ang hirap itapon 'yon ng ganon lang.

Acera:
naiinis ako. sobrang naiinis ako. gusto ko nang ipamukha sa kanila, gusto ko nang isumbat sa kanila na kinalimutan na nila ako pero wala akong lakas para gawin 'yon. nakakainis. nakakalungkot.

Acera:
hindi ko na alam ang gagawin ko acetot, hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar.

ace squared ; completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon