Note: Ayieeee, may special oneshot dahil special ka, charot! Saglit lang 'to pero basahin niyo na rin dahil baka maguluhan kayo hehehehehe.
This oneshot is not a part of the story. This is the ORIGINAL Ace Squared, sinalin ko lang siya into chat/epistolary story. Sinulat ko siya last March, 2019 so expect some grammatical/typographical errors ahead.
•••
ACERA x ACE"You may not really see it, but we already became friends."
--
[ACERA]
"Kuya Acetot!" Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko sa gitna ng hallway para makalapit agad sa kanya na habang patagal ng patagal ay nagiging patakbo na. Hays, bakit ba kasi ang bilis maglakad ng gurang na yon?
Nakita ko pa ang saglit niyang pagsulyap sakin pero muli siyang nagpatuloy sa paglalakad. Hanep, nakita na 'ko, di parin tumigil?
Hinihingal na nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Hinawakan ko na din ang sleeves ng uniform niya para matigil siya sa paglalakad.
"Teka lang Kuya Acetot, time pers." Hinihingal kong sambit.
"Bilisan mo. Busy ako." Walang kaemo-emosyong saad nito. Napaayos naman ako ng tayo at nagtataka siyang tinignan.
"Busy saan Kuya Acetot?" tanong ko.
"Secret." Sagot niya naman at nagsimula na ulit maglakad. Sinundan ko naman siya at sinabayan.
"Ah! Busy ka siguro sa paghahanap ng supplier para sa ibebenta mong balot mamayang gabi no?" Nakangiti kong panunukso sa kanya. Pero tamad lang na tingin ang sinukli niya sakin at itinuon na ulit ang atensyon sa paglalakad.
Medyo nakatingala ako sa kanya ngayon dahil mas matangkad siya sakin. Feeling niya siguro cool siyang tignan dahil nakapamulsa siya ngayong naglalakad at feel na feel din ang cold aura niya.
Pero sige na nga, aaminin ko na. Medyo cool siya don. Medyo lang. Slight, ganon.
"Hindi ako magbebenta. Walang bibili sayo." Natatamad ulit nitong sambit sakin.
"Naman kasi Kuya Acetot! Hindi nga 'ko balot!" Pagrereklamo ko sa kanya, sabay pout.
"K."
--
"Oy Cleo, may assignment ka na ba sa Math? Pakopya nga." Kulbit ko sa isang kaibigan ko pagkarating ko sa upuan niya. Napatigil naman ito sa kasalukuyang sinusulat at tumingin sakin. Pagkatapos ay ini-angat niya ang papel na sinusulatan niya kanina at tinapat iyon sa mukha ko. Doon ay nakita kong hindi pa pala tapos ito sumagot sa assignment namin kaya bagsak ang dalawang balikat ko ng bumalik ako sa upuan ko.
"Hoy." Bati sakin ng katabi ko tuwing Math time. Si Chadler.
"Oh?" Tugon ko naman.
"Pakopya ako ng assignment sa Math." sabi nito. Nang-aasar ba 'to? Halata naman sigurong wala din akong assignment no?
"Ayoko nga." Sabi ko nalang.
"Damot mo." Sambit nito dahilan para mapabuga ako ng hangin.
"Oh sige, 'wag mo 'kong asahan mamaya sa seatwork ha, bahala ka diyan--"
"Joke lang. 'To naman. Pakopya na kasi." Kulit pa nito. Dahil narin sa kagustuhan kong matigil siya ay inabot ko sa kanya ang papel na pinagsulatan ko ng assignment kahit wala pa itong sagot.
BINABASA MO ANG
ace squared ; completed
Ficção Adolescentein which Acera just can't get enough of her long time crush, Ace Carson Bustillo.