02-22-20
Acera:
hindi naman siguro ibig sabihin na nawawalan na ako ng gana hindi ko na siya mahal diba?Acera:
nanlalamig lang siguro ako. pero babalik pa rin naman siguro to sa dati diba?Acera:
haha nakakainis, hindi ko akalaing pati ako aabot sa ganito.Felicity:
Nanlalamig ka na?Acera:
siguro, hindi ko alam ☹️Felicity:
Siguro dahil pagod ka?Felicity:
Wala ka sa mood?Felicity:
Siguro kasi nasasaktan ka?Felicity:
Or pwede ring hindi mo na siya mahal, Acera.Acera:
natatakot ako...Acera:
ang tanging pinanghahawakan ko na lang sa ngayon ay 'yong dahilan kung bakit ko siya minahal. pero kahit pala pilitin ko 'yon, hindi ko pa rin maiwasang masaktan. kumbaga imbis na maging masaya ay lalo lang akong nagiging malungkot.Felicity:
Namimiss mo lang siguro si Ace kaya ka ganyan. Imagine, ilang buwan na ba? Halos dalawa pero wala kayong matinong napagu-usapan.Felicity:
Ngayon isipin mo naman kung bakit anong pilit mo e hindi mo na maibalik yung dati.Felicity:
Dahil ba sawa ka na?Felicity:
Dahil ba may iba ka nang nagugustuhan?Felicity:
Dahil ba wala na yung "spark"?Acera:
I really want to stay, feli. ayoko siyang iwan. maybe sawa na nga ako. maybe pagod na nga ako. maybe nasasaktan nga ako kaya ako ganito pero ayokong umalis. hangga't nags-stay siya gusto ko gano'n din ako. kahit hindi na para sa relationship namin. kahit para sa kanya na lang. o kahit sabihing hindi ko na siya mahal.Felicity:
Hindi ba parang ang sakit naman sa part ni ace yung ganon? Iisipin niya na "Ah siguro naaawa na lang to sakin"Felicity:
Ang corny man pero siguro kailangan mo munang hanapin yung sarili mo, Acera. Baka kasi habang naglalakbay kayo e naiwala mo yung sarili mo. Pero mas okay kung sasabihin mo rin yan sa kanya. Hindi ba mas maganda pag sabay niyong hinaharap yung problema? Ikaw ang nagsabi niyan sakin e.Acera:
that's what i really thought at first. na sa kanya ko dapat unang sabihin itong nararamdaman ko. kaso hindi ako makahanap ng timing e. pagkatapos rin kasi niyang magreply maga-out na rin siya. baka makaistorbo lang ako.Felicity:
Bakit ka naman magiging istorbo? Kung mahal ka talaga ni Ace, never kang magiging istorbo sa kanya.Felicity:
Cheer up, Acera! Alam kong kaya mo yan.Acera:
salamat ah?Felicity:
Wala yon, ano ka ba.Acera:
tao hahahahaFelicity:
Psh HAHAHA
BINABASA MO ANG
ace squared ; completed
Teen Fictionin which Acera just can't get enough of her long time crush, Ace Carson Bustillo.