Epilogue

179 9 21
                                    

A year later...

Masiglang hiyawan at palakpakan ang bumungad sakin pagkarating ko sa kinaroroonan ng mga magulang ko. Suot ang mga medalyang nakamit ko sa ganap kong pagtatapos ng highschool.

Ngumiti rin ako sa kanila at sinalubong sila ng yakap. Kanina pa tapos ang ceremony, at maya-maya lang ay uuwi na rin kami.

"Ang galing mo, anak. Proud na proud kami sayo ng Papa mo," masiglang sambit ni mama at hinalikan pa ako sa pisngi.

"Ma, wala pa naman akong nararating. Magc-college pa ako," sambit ko na tinawanan niya lang.

"Nako, basta ipagpatuloy mo lang 'yan, mag-aral ka pa nang mabuti," sambit pa nito.

"'Wag ka nang magboyfriend ulit, pagkatapos mo nang mag-aral." Napatawa naman ako sa sinabi ni Papa.

"Paaaa, pinapaalala mo na naman e," reklamo ko pa pero tinawanan niya lang ako.

"Wala naman akong binabanggit na Ace, ah?"

"Paaa!" Tumawa siya ulit. Hindi naman sa ayoko na siyang pag-usapan, ang awkward lang kasi pag magulan mo na mismo ang kausap mo pagdating sa gano'ng bagay.

Sandaling napawi ang ngiti ko nang marinig ko na naman ang pangalan niya.

Isang taon...

Isang taon na akong walang balita galing sa kanya.

Sa loob ng isang taon ay wala akong ginawa kundi i-focus ang sarili ko sa pag-aaral at pati sa mga kaibigan ko. Ginawa ko na rin siguro ang lahat para hindi na siya isipin pa. Mahirap, pero kinaya naman.

Move on? Yes, but not totally.

Marami pa akong gustong itanong at malaman, marami pa akong gustong sabihin.

We didn't have our proper closure. Pagkatapos kong makipaghiwalay, that was our very last conversation.

Minsan makikita ko siyang online, pero pagkalipas ng isang minuto ay maga-out din siya. Natatakot akong kausapin siya ulit. Natatakot ako na baka katulad ko, iniiwasan na rin niya ako.

It's very ironic to think na ang lahat ng pinagsamahan namin, nawalan na rin ng saysay ng gano'n-gano'n lang.

Every little details of our relationship is still vivid on my mind, na parang kahapon lang siya nangyari. I smiled bitterly, hanggang ala-ala na lang ang lahat ng 'yon.

"Acera!" Napatigil ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni Felicity. Nakalingkis na siya sa braso ko at gusto akong dalhin kung saan kaya nagpaalam ako kila Mama at Papa.

"Bakit?"

"Picture tayo! Teka, nasa'n si Killian?"

"Nakikipag-away na naman siguro kay Ignus 'yon," sambit ko at pareho maming napatawa.

"Hay nako, kung hindi lang talaga sila parehong lalaki, iisipin kong sila yung magjowa. Daig pa tayo kung magbangayan."

"Hayaan mo na, minsan lang makahanap ng kaibigang lalaki 'yong si Killian. Lagi ba naman kasi sating nakadikit," sabi ko pa. Naramdaman kong hinila niya ako papunta sa kung saan at hinayaan ko na lang din siya.

ace squared ; completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon