Kahit gaano pala kasakit ang naidudulot sa 'yo ng isang bagay, hangga't may naibibigay siyang maganda sa 'yo, patuloy mo pa rin siyang panghahawakan. Somehow, napatunayan ko iyon.
"I just bought a new car, one where the top goes down, so we can see the stars. I wanna take you so far, out past the Saturn rings, and into my heart."
Sa kaso namin ni Randiel, hindi ko pa maipaliwanag kung anong magandang naidudulot niya sa akin, pero sigurado akong meron. Iyon nga ang nagtutulak sa aking gawin ang mga bagay na ito na hindi ko inakalang magagawa ko.
Hindi ko inalis ang paningin sa kanya habang kumakanta siya sa harap. Pagkatapos ng huli naming pagkikita ay muli akong nagdesisyong makipagkita sa kanya.
"Lay on the passenger side, tell me how fast you want, we'll get there tonight. Oh, fire, you set me on fire, I swear you're the only one I'd take on this ride."
Hindi ito simpleng lust lang. Hindi pa ako nakakaramdaman noon pero nasisiguro kong hindi. Alam ko sa sarili kong may mas malalim pang salita para ilarawan ang nararamdaman ko sa kanya.
Tumayo ako sa bar stool nang matapos ang performance ng banda nila Randiel. Hindi na ako nag-atubiling lapitan siya nang magkaroon ng pagkakataon.
"I wanna talk to you," I said seriously. Sinulyapan ko ang mga kabanda niya bago ibalik ang paningin sa kanya, "privately."
Kakikitaan man ng gulat ay nagawa pa rin niyang bumaling sa mga kasama para magpaalam. Kaagad kaming lumabas pagkatapos at dinala siya sa tapat ng sasakyan ko.
Nauna akong pumasok sa loob. Nang masigurong nakasakay na siya ay hindi na ako nagsayang ng oras sa pagpapatakbo ng sasakyan.
Hininto ko ang kotse sa gilid ng madilim na kalsada palabas ng Paraiso district. Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga bago tumingin sa kanya. Kanina ko pa napapansin ang titig niya sa akin pero ngayong sinasalubong ko na iyon, iba pala sa pakiramdam.
"I want to offer you a deal." Sinimulan kong buksan ang usapin, ang mga mata ay medyo nagiging abala sa pagpansin sa magiging reaksyon niya. "You are willing to provide an experience, right? Nabanggit mo iyon noon at nasabi mo ring panghahawakan mo iyon hanggang ngayon. So I want us to get involve in a relationship without having commitment."
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para diretsahang masabi iyon. Pilit kong pinagmumukhang maayos ang sarili ko, na ipakitang hindi naman big deal ang bagay na ito, pero ang isip ko, hirap na hirap na sa paghagilap ng gagamiting salita.
Sandali niyang pinanatili ang pagtitig sa akin bago mag-iwas ng tingin. A playful smirk is now plastered on his lips.
"Like fuck buddies?" Nanlaki ang mga mata ko sa bulgar niyang pananalita. He chuckled, maybe because of my reaction, hindi ko maikakaila na pinaganda noon ang mood ko.
"Like a casual relationship, no strings attached." Hindi ko siya matingnan ng matagal lalo pa't hindi ako ganoon ka-kumportable sa sinasabi.
"But what's the mutual benefit? Hindi ba dapat meron noon sa isang deal?"
Napakurap ako sa tanong niya. Saka ko lang na-realize na parang ako nga lang ang makikinabang sa deal na ito. Anong magiging benefit niya sa inaalok kong deal?
BINABASA MO ANG
Just a Secret
General FictionEleanor Acuesta is cheating on her fiancé with a man younger than her age... and she's keeping it a secret. Restricted-18 (R-18)