First Chapter

65 17 3
                                    

"For almost three months, hinayaan mo akong iparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal. Giving me a chance to be your boyfriend is indeed a great birthday gift that I ever had." Ansel said.

Umihip ang pang-umagang hangin. Kinailangan ko pang ipirmi sa likod ng tainga ang sumabog na buhok para muli siyang maayos na makita.

"I know it for certain that you are the one, Elly. Ikaw 'yung babaeng nakikita kong lumalakad papuntang altar palapit sa akin, at 'yung babaeng mag-aalaga sa mga magiging anak natin."

Nagsimula akong gapangan ng kaba nang unti-unti siyang lumuhod sa harap ko. Napatingin ako sa paligid at nakita ang kumakapal na bilang ng mga tao. Nakangiti silang lahat na para bang inaantay pa ang susunod na mangyayari. Muli kong binalik kay Ansel ang paningin. Hindi ko inaasahang sa public area niya napiling gawin ito.

"I can't wait for us to become one. Eleanor Acuesta, will you grow old with me?" Abot-tainga ang ngiti niya nang sabihin iyon.

Hindi ko naiwasang pangilidan ng luha nang makita ang pag-asa sa mga mata niya. Inilabas niya mula sa bulsa ang napakagandang engagement ring. It was ornamented with a beautiful gemstones in a concetric circle around a center of a stone. The setting emphasizes the appearance of a small diamond at the center.

"Marrying Ansel Avillante can help me a lot, Elly. His father Senator Avillante and his political party is a great influence to my political ambition. Alam kong nanliligaw siya sa 'yo, hija, at kung mangyari mang maging kayo, tiyak na makakatulong iyon sa pagtakbo ko sa darating na eleksyon."

Narinig ko ang boses ni Papa sa isip ko pati na ang mga salitang sinabi niya nang minsan niya akong kausapin.

Ansel is a good person. He is very sweet and romantic. I like him, hindi siya mahirap mahalin. Hindi ko rin maitatangging na-develop na ang feelings ko sa kanya over time.

But I'm not sure if I'm ready to be his wife. If I deserve to be his wife.

Alam kong kasama si Papa sa dahilan kung bakit sinagot ko si Ansel bilang boyfriend. Kaya ngayong inaalok niya na ako ng kasal, na maging asawa niya, hindi ako sigurado sa magiging sagot ko.

"Yes..." before I can decide, I hear my voice making a decision for me. Mabilis kong pinahid ang luhang lumandas sa pisngi ko. "I will marry you."

Masayang tumayo si Ansel para bigyan ako ng mahigpit na yakap.

"I love you, Elly," paulit-ulit niya iyong sinabi bago kumalas sa pagkakayakap sa akin. Sinuot niya sa daliri ko ang hawak na singsing at muli akong niyakap.

Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinagot ko, pero wala akong pagsisising nararamdaman sa naging desisyon ko. 

"Congratulations, Elly! You're engaged!" Iyon ang naging bungad sa amin ni Yara nang makapasok kami sa Gallows End, isa sa mga sikat na bar sa Paraiso, para sa selebrasyon.

Ansel's right arm quickly snake on my waist, dahilan para maghiyawan ang ilan sa mga kaibigan naming nakakita.

"Congrats, man!"

Samu't saring pagbati ang natanggap namin noong gabing iyon. Puno ng kasiyahan ang selebrasyon at umabot pa sa puntong naparami ang inom ko. Nagpapasalamat na lang ako't hindi ganoon kataas ang alcohol content ng mga iyon.

"Kailangang maging memorable ang gabing ito sa 'yo, Elly! I have an idea," Yara said before grabbing my wrist.

Natatawa akong nagpatianod sa kanya. Nginitian lang ako ni Ansel nang sulyapan ko siya kaya sa tingin ko okay lang na magpadala ako sa nasisiyahang kaibigan.

Binitiwan ako ni Yara nang makarating sa dance floor. Itinaas niya ang dalawang kamay at nagsimulang sumayaw.

"Let's dance, Elly!" She shouted.

Just a SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon