Last Chapter
Even if it's not easy to let go of what you love, sometimes you have to. May mga bagay kasing para sa iyo na hindi mo makukuha hangga't hindi mo binibitiwan ang bagay na hawak mo. You have to let go of something big for you to hold something bigger.
Mahirap. Pero noon pa man, bago pa umabot sa puntong ito, alam ko nang hindi magiging madali ang lahat. Alam kong may magsasakripisyo, alam kong may dapat gumawa ng mabigat na desisyon. I knew it from the start. Ngunit ginawa ko pa rin, itinuloy ko pa rin.
Hindi ko mabilang kung ilang beses akong sumubok ngumiti at ilang beses ding hindi nagtagumpay. Kailanman ay hindi ako magaling mameke ng ekspresyon, lalo pa sa pagkakataong ito.
Dumako ang paningin ko kay Ansel nang ilahad nito ang kamay sa akin. Saka ko lang napansin ang malamyos na background music na kasalukuyang tumutugtog. Mabilis kong tinanggap ang kamay niya at marahang tumayo. Nagpalakpakan naman ang ilang mga guests.
Okupado ni Randiel ang malaking espasyo ng isipan ko magmula pa kanina nang umalis kami ng simbahan at dumiretso sa reception, kaya hindi ko napansin ang ilang hindi naman masyadong mahahalagang pangyayari sa loob ng function hall.
Naging iisa ang kilos namin ni Ansel habang sumasabay sa mabagal na ritmo ng tugtugin. Batid kong nakatitig siya sa akin pero hindi ko magawang panatilihin ang paningin sa kanya.
"I can't wait to spend this special night with you, Elly," aniya sa baritonong boses. Isinandal ko ang ulo sa dibdib niya saka tipid na ngumiti. "Gusto na kitang iuwi..."
Ansel Avillante is now my husband. Gusto ko iyong ipaalala sa isip ko ng paulit-ulit. Gusto ko iyong tumatak sa isip ko nang sa ganoo'y hindi ko makalimutan sa paglipas ng panahon. Nakakabit na ang apelyido niya sa pangalan ko kaya dapat sa kanya at sa bubuoin naming pamilya ko na lang ituon ang isip ko.
Ilang minuto ang ginugol ko sa pangungumbinsi sa sarili habang ginagawa ang first dance. Dumating sa puntong dinaluhan na rin kami ng ibang guests kasama na ni Yara na isa sa mga bridesmaid. Ngumiti siya sa akin nang magtama ang paningin namin.
Masaya ang gabing iyon pero mabibilang lang yata ang pagngiti ko ng genuine. Umaabot ang ngiti ni Ansel hanggang sa mga mata niya dahilan kung bakit hindi ko matagalan ang tingin sa kanya. Guilty ako kasi alam kong hindi makikita ang kaparehas na emosyong iyon sa mga mata ko.
Bago matapos ang reception ay magkasama naming ginawa ang cake cutting. Symbolism daw iyon ng pagiging magkatuwang namin sa lahat ng suliraning haharapin bilang mag-asawa.
Hawak ni Ansel ang kamay ko habang tumatakbo ang sasakyan. Pareho kaming nakaupo sa back seat at simula noong lisanin namin ang function hall ay hindi na siya malayo sa akin.
Sa parking lot ng isang kilalang apartment building sa Paraiso huminto ang sasakyan. Bumaba kami at nagpatuloy sa lift. Sa pinakamataas na floor ang penthouse niya kaya lumipas pa ang ilang minuto bago kami makarating doon.
Muntik na akong mapasigaw nang bigla akong buhatin ni Ansel nang bumukas ang elevator door. Nakangisi siyang naglakad papasok sa penthouse at nagpatuloy hanggang sa makarating sa isang pinto.
Mabilis niyang nabuksan ang pinto ng master bedroom. Nilapag niya ako sa kama bago bahagyang lumayo.
"I'll take a shower first," sabi niya. Tumango naman ako at tiningnan pa ang pagpasok niya sa bathroom. Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pag-vibrate ng phone ko.
Awtomatikong bumilis ang pagtambol sa dibdib ko nang makita ang hindi rehistrado niyang numero. Sa una'y nagdadalawang isip pa ako pero sa huli ay nagawa pa ring kuhanin ang cellphone.
BINABASA MO ANG
Just a Secret
General FictionEleanor Acuesta is cheating on her fiancé with a man younger than her age... and she's keeping it a secret. Restricted-18 (R-18)