"Hello..." bungad ko nang sagutin niya ang tawag. Hindi siya nagsalita, but his heavy breathing told me that he is listening. "I'm sorry kung ngayon lang ako nakatawag."
Mariin akong napapikit nang mapagtanto ang sinabi. Seriously, Elly? Iyon talaga ang napili mong topic?
"It's okay. May gusto kang sabihin?" Namaos ang boses niya sa huling mga salitang sinabi. My heart starts to skip a beat. Napalunok ako.
"W-wala... napatawag lang ako kasi..."
Gusto kong sabihin sa kanya na binabalak nila Papa na paagahin ang kasal ko pero hindi ako makahanap ng tamang salita. Tinakasan na rin ako ng tapang simula noong marinig ko ang boses niya.
"Kasi nami-miss mo ako?" Malakas siyang tumawa, hindi ko naman naiwasang ngumiti. "I missed you too, kahit isang araw pa lang tayong hindi nagkikita. I even want to see you lying in my bed, naked."
Sana ganoon nga kagaan ang sitwasyon. Sana pwede kaming magkita kahit kelan namin gusto, maging magkasama oras-oras. Pero isa iyong malaking pantasiya. Imposibleng mangyari.
Mabilis kong pinalis ang luhang lumandas sa pisngi ko. Pinilit kong pagaanin ang pakiramdam.
"I-I just want to know if you're... alright. Mukha namang maayos ka kaya..." Hindi ko pinahalata ang kalungkutan sa pananalita. Hindi naman siya ulit nagsalita kaya sa tingin ko wala siyang napansin. "Kailangan ko nang ibaba ang tawag, goodnight."
Hindi ako ganoon kabilis nakatulog. Paano'y naiwan sa isipan ko ang pag-uusap namin ni Randiel pati na ang date ng kasal.
Dumating ang Huwebes at naging abala kami ni Mama sa paghahanda para sa proclamation party, kung saan ia-anounce ng partido ang Senatorial line-up, na gaganapin bukas. Tutok si Mama sa pag-oorganize mula sa pamimili at paghahanda ng mga damit na susuotin, hanggang sa mga kakailanganin.
Sinamahan ko siya sa pagpunta sa Salon para magpaayos. Hindi ako nagkamali nang isipin na paaayusan niya rin ako dahil ganoon nga ang nangyari.
Medyo madilim na nang dumating si Ansel kinabukasan para sunduin ako. He looks immaculately handsome in his black tuxedo. Nakadagdag din sa kagwapuhan niya ang suot na Vincero Kairos watch. Malawak ang ngiti niya nang lumapit sa akin para yumakap at humalik.
"You look lovely," hindi naaalis ang ngiti sa labi niya habang nililibot ang paningin sa akin.
I'm wearing a long royal blue bodycon dress that traces my curves perfectly. I also put a light make up to make my features appear more symmetrical.
"Thank you. You also look good in that tux,"
Hindi ko maitatanggi ang pagiging kumportable kapag kasama siya.Naunang pumunta sina Mama at Papa sa function hall dahil ayaw nilang mahuli. Sumaglit muna kasi ako sa bakeshop kaninang tanghali para obserbahan ang mga nangyayari roon.
Nagpasalamat ako kay Ansel nang buksan niya ang pinto ng passenger side. "Let's go?"
Malapit lang naman ang function hall kung saan gaganapin ang proclamation party kaya ilang minuto lang ang itinigal bago kami makarating doon.
Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa loob ay sinalubong na kami ng ilang mga shots ng photographer. Pumalupot ang braso ni Ansel sa baywang ko at inalalayan ako sa paglalakad.
"Eleanor!" Tita Coriniah greeted me with a big smile. Nakipagbeso siya sa akin pati na sa anak. Bumaling siya kay Ansel at sumeryoso ang mukha. "Where have you been? Kanina ka pa namin hinahanap ng Papa mo, we thought you won't make it tonight!"
"I'm sorry, mom. May inasikaso lang,"
Sumimangot lang si tita. "By the way, Elly, you look so great!" Muli itong bumaling sa akin para sabihin iyon. "Shall we get this party started?"
BINABASA MO ANG
Just a Secret
General FictionEleanor Acuesta is cheating on her fiancé with a man younger than her age... and she's keeping it a secret. Restricted-18 (R-18)