Epilogue
"Why do you have to stay away from us, Kuya? Dahil ba sa sinabi ni Papa?" Binuksan ni Thelma ang usaping iyon nang makaupo ako sa katapat niyang upuan. "Kilala mo naman 'yon, 'di ba? Masakit lang talaga 'yong magsalita. Para namang hindi ka na nasanay kay Papa!"
Nakangiti kong tinitigan ang nakababata kong kapatid. She's really loud.
"Lumipat na nga si Paxton sa Los Desechos, tapos pati ikaw aalis din?" Naging malungkot ang boses niya. Mas lalo namang lumawak ang ngiti ko. "Ngayon sasabihin mo sa 'king sa Pueblo Estrella ka titira? Ang layo noon dito, Kuya!"
"It takes time to earn his trust, Thelma, lalo kung hindi siya sang-ayon sa gusto mong i-pursue. Gusto kong ipakita sa kanya na nasa tamang track ako at magagawa kong mag-succeed sa pinili kong daan." Ipinaliwanag ko sa kanya ang dahilan ng pagbukod ko. "Isa pa, hindi ko magagawa 'yung mga kailangan kong gawin kung nasa puder niya ako. Tama ka, kilala ko nga si Papa, at alam kong gagawa siya ng paraan para ipakita sa 'king mali ang desisyon ko."
I smiled at her.
"Sana maintindihan mo."
Hindi sang-ayon si Papa sa gusto kong mangyari. He wants me to pursue photography pero hindi iyon ang gusto ko.
"Your mom died while doing the same passion, ngayon sasabihin mo sa aking 'yan din ang gusto mong gawin?! At ano ang kasunod? Kapahamakan mo rin?!" Naaalala kong sabi niya nang malaman na nagbabanda ako sa Paraiso tuwing Sabado.
Ayokong pilitin ang sarili ko sa bagay na hindi ko naman gusto. Music is my passion. Alam kong hindi sapat ang maibibigay noon para sa pang-araw-araw kong pamumuhay pero iyon ang gusto ko. Isa pa, kaya ko namang kumuha ng isang regular na trabaho na magpo-provide sa pangangailangan ko. It's just that, if I never try to take risk, I will never know.
I felt the vibration of my phone from my pocket. Hininto ko ang motor sa gilid ng Gallows End bago ito kunin at sagutin.
"Huwag mo sabihing hindi ka makakarating? It's my day, men, dapat nandito ka!" Medyo malakas ang boses na ani Cameron sa kabilang linya. Natawa ako habang inaayos ang pagkaka-park ng motor.
"I'm outside, Cam, don't worry. Alam ko namang na-miss mo 'ko," pabiro kong sabi saka nagsimulang lumakad papasok sa loob.
Dalawang buwan na ang nakakalipas simula noong lumipat ako rito sa Pueblo Estrella, and I must admit that the whole town is peaceful. Maliban na lang siyempre sa Paraiso na kilala bilang mataong distrito ng bayan.
"Nandito na pala si Randy e, What's up, man!" Sinalubong ako ng ilang mga kaibigan. My bandmate, Cameron, is celebrating his birthday tonight. Sa bar na ito niya napiling mag-celebrate kaya narito kami ngayon.
We had fun that night. Ilan sa mga kaibigan ng kabanda ko na hindi ko masyadong kakilala ay nakausap ko rin kaya mas lalong naging masaya. I was about to order a drink on the counter when I notice a woman not so far away from me. She looks familiar for some unknown reason. Though I'm not sure if we have met before.
Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya.
"Neat vodka." Pinanatili ko ang paningin sa kanya habang hinihintay ang order. She looks innocent, and I love it.
Nilapag ng bartender ang shot glass ng vodka na agad ko namang inilapit sa gawi niya. Bumalakas ang pagtataka sa inosente niyang mukha pero nagawa pa ring makabawi saka nag-angat ng tingin sa akin.
"Hindi ako umiinom ng ganyang klase ng alak." She indirectly resist my offer before moving the shot glass towards me. Hinilig ko naman ang braso sa bar counter para maayos siyang makita.
BINABASA MO ANG
Just a Secret
General FictionEleanor Acuesta is cheating on her fiancé with a man younger than her age... and she's keeping it a secret. Restricted-18 (R-18)