CHAPTER 1 ( DIFFERENCES)

2.8K 55 3
                                    

Having some issues with wattpad, can't publish toh buti nalang di ako nawalan ng pag asa shiya ahahah. Thank you sa inyu guys❤️

MsAremge.

CHAPTER 1

"Sashna, sa tingin mo kung hindi nagpakasal si Justin Bieber magkakabalikan pa sila ni Selena Gomez?"

Napatigil si Liana sa pagta type ng biglang magsalita si Elsa ang kaibigan niya.

Nasa office sila at dahil normal na araw sa office ginagawa niya ang trabaho niya.

Inayos niya ang salamin na suot atsaka walang buhay na tinignan ito na may pag asang nakatatak sa mukha.

"As far as I'm concerned Ms. Elcano we're working for our clients satisfaction, for their product's advertisement and sa pagkakaalam ko wala sa dalawang artistang binanggit mo ang may koneksiyon sa Proposal natin. We have to practice more ways for it's rating perfection if this will be denied we have to work from the top again." seryosong ani niya rito at humarap na naman siya sa unit niya kaya napasimangot naman si Elsa.

"Sashna naman eh, alam mo masyado mong seneseryoso ang bawat oras mo, alam mo ba na minsan kailangan din nating mag enjoy at gawin ang trabaho ng may konting kasiyahan at hindi puro kaseryosohan. Almost road to perfection na itong ginawa natin noh, siguro bigyan mo na din ng oras ang Creative team na mag isip na. Ang hirap sayo pagsinabing deadline doon mo lang talaga ipapasa at puro check and check ka nalang, masyado mong sinistress ang sarili mo, ang gawaing pwede lang isang oras iniisang araw mo. Haystt. " ani ni Elsa.

Napatigil sa pagpindot si Sashna at humarap ulit rito na pinaikot ang upuan.

Ngumiti siya dito na parang walang magawa sa kakulitan nito.

Ngumiti naman ito sa kanya ng malaki.

"Ok sige Elsa, buong araw nating pag usapan ang mga buhay ng bawat tao kung yan ang suggestion mo para hindi naman ako boring tingnan, sige?" ani niya rito at inalis ang ngiti at sumeryoso.

Napasimangot naman si Elsa.

"Hay naku, walang pag asa, oh siya sige na bumalik ka na sa trabaho mo para makalma ang loob mo, bakit nga pala kita idadamay sa kalukuhan ko ni hindi mo yata kilala ang dalawang iyon na sinasabi mo."

Bumalik si Elsa sa harap ng computer niya at humalumbaba ganun din si Sashna na inayos ang salamin bago nagpatuloy sa pag type.

"Of course kilala ko sila, at para mapanatag ka sasagutin ko ang tanong mo, para sa akin unang-una sa lahat buhay nila iyon kaya kung anong plano at gawin nila ede pabayaan atsaka kasal na siya, it would not be pleasing to hear na ipinaglalaban parin ng mga tao ang JeLena that would hurt her eventually. Stay away from their lives hindi niyo naman hawak ito." ani niya habang nakatutok parin sa harap ng computer niya.

"Akala ko wala kang alam sa mga artista, sabagay may jowa ka naman palang artista." ani ni Elsa na kinaikot ng mata ni Sashna at hinarap ito.

Gulat na tumingin naman ito sa kanya.
"What? "

Napairap siya.
"Hindi ko ka relasyon si Anthony, kaibigan ko siya since we were kids. "

Napatakip naman ng bibig si Elsa na parang nabigla.
"Hay naku jusko sayo day! Alam mo ba kung gaano ka ka swerte na malapit sayo ang isang sikat na artista, usap usapan ka nga eh hindi lang nila malaman kung paano ka kontakin at alamin ang lahat dahil ang hirap mo na ngang higalapin sa social media pati din dito sa Pilipinas, ewan ko nalang sa sinasabi mong kaibigan diyan mukhang importante ka masyado sa kanya eh." ani ni Elsa.

Sashna became silent for a second atsaka humarap na ulit sa Computer niya.

"I am.. " mahinang ani ni Sashna at napatingin sa litrato sa harap niya, litrato ni Anthony ang ate niya at siya. Nagsimulang magluha ang mata niya kaya agad siyang nilapitan ni Elsa at tinapik ang likod.

WHEN THE SOCIAL MEDIA INFLUENCER FALL IN LOVE( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon