CHAPTER 6( REST ASSURED)

977 35 1
                                    

TAKE EVERYTHING SLOWLY BUT SURELY😜
💙

CHAPTER 6

" Mr. Bauer, great job. Adjust muna ang mga nasa paligid.."

Last day ng pagsho shoot nila, and to directly tell she's still upset sa behaviour ni Nash.
Sa buong buwan ng post Production ay palagi itong nanggugulo kung minsan ay pag nag me meeting ang lahat ng crew ay umiiwas nalang siya.

Palagi siya nitong tinatanong about sa mga walang kwentang bagay. Sa totoo lang naiirita siya rito pero hindi niya naman kayang ipahiya ito.

" Great Team. We're done, congratulations." ani ni Direk kaya agad siyang napahinga ng malalim at lumapit kay direk ng lalapit sana si Nash sa kanya.

" Ok na direk?" tanong niya.

Tumango si Direk.

" It's good, Sashna. You can go now, ako ng bahala rito, I know may importante kang pupuntahan."

" Sure direk, thanks."

Agad na kinuha ni Sashna ang bag at nagpaalam sa crew.
Napatingin pa sa kanya si Nash kaya napairap siya bago lumabas.

Napadaan siya sa paradahan ng kotse at lumapit doon para humarap sa salamin ng pintuan ng kotse. Masiyang kinuha niya ang lipstick sa bag niya at napatingin sa paligid para siguraduhing walang tao bago humarap sa salamin at inilapat sa labi niya. Hirap siyang maayos na ilagay iyon sa labi niya dahil hindi naman siya gumagamit non pero ngayon kailangan niya dahil may kikitain siyang taong sabihin nalang nating crush niya. She maybe dumb sometimes pero natuto rin siyang humanga ng lalake, naalala pa niya na simula bata pa siya crush niya ang lalakeng yun hanggang nga nung nasa ampunan siya pakagi itong sumusulat sa kanya, natigil lang noong nag aral ito ng criminology kaya ngayon lang sila nag kausap, mas matanda yun sa kanya mga nasa 25 na ang lalake habang siya ay 22. Nagulat nalang siya ng bigla itong tumawag sa kanya at nais makipag kita kaya para tuloy siyang na excite dahil makikita niya ulit ang childhood crush niya and to sum it all isa na itong pulis kaya chance na yun at baka magka asawa na siya at feeling niya tatanda siyang dalaga, kung sakaling mag kagusto sila sa isa't isa ede sure na ang kinabukasan niya dahil pulis ito.

Kunuha niya ang cellphone niya at may tinawagan.
" Hello, Reo. Papunta na ako. Kita nalang tayo. Oo sa View Restaurant. Ok sige ingat. bye. " ani niya at napapangiti.

Inilagay niya ang cellphone sa bag at at tumayo ng tuwid at nadismaya siya ng makitang parang ampangit niya, napahamak siya sa buhok niya na sira sira na ang pagkakatali dahil lumalabas na ang mg baby hair niya bumaba ang tingin niya sa dress niya, as usual Midi dress ang suot niya, mahaba at mukha talaga siyang manang isama mo pa ang salamin niya sa mata na pumuprotekta sa sensitibong mata niya, tanging ang heels nalang niya na 1 inch ang takong ang bumubuhay sa pagka dalaga niya.

Napasimangot siya.
".. ampangit ko tignan, pano kung maging weirdo ang tingin niya sa akin?"

Napailing siya at napasimangot na inayos ang buhok niya ng biglang may tumulak sa kanya at hinawakan ang balikat niya kasabay ng pagbukas ng backseat ng kotse at tinulak siya papasok kaya nabigla siya.

Mas lalo siyang nagulat ng bigla ring pumasok ang lalakeng iyon at inilock ang pinto.

Nanlaki amg mata niya habang gulat na gulat na nakatingin sa lalakeng napapaangil at nanlilisik ang mata.

" N-nash?" gulat na ani niya.
Tumingin ito sa kanya na may halong inis.
" Yes it's me. " inis na tugon nito.

Napatingin siya sa suot nito at nagulat siya ng makitang naka basketball attire parin ito.

WHEN THE SOCIAL MEDIA INFLUENCER FALL IN LOVE( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon