CHAPTER 4( POSSESSING HER)

1.5K 47 0
                                    

Sometimes love needs no verification of mind.
-MsAremge

CHAPTER 4

" Huy, gaga! Ano yung ginawa mo?" nababanas na ani ni Elsa ng makalabas na sila ni Sashna.

Agad namang napairap si Sashna.
"Wala akong kasalanan nainis ako kaya ko nagawa yun.."

" Sure ka? Ang isang Nash Bauer na kinahuhumalingan ng kababaihan at kabaklaan at kinaiinggitan ng kalalakihan, Sininghalan mo?" hindi makapaniwalang ani ni Elsa.

" I just did, ang lalakeng kinahuhumalingan ng kababaihan at kabaklaan at kinaiinggitan ng kalalakihan ay sininghalan ko sa inis. Alam mo there's no point of talking about this, I have to go. Kita nalang tayo. Bye. "

Agad na sumakay si Sashna sa Jeep na dumaan at naiwang hindi parin makapaniwala si Elsa.

" Ibang klase ka talagang bruha! " nasambit nalang ni Elsa.

👌

Seminar..

" Sashna, konti palang ang tao, hindi aabot ng dalawampu. Sa tingin mo may kinalaman ito sa ginawa mo doon sa mall?" tanong ni Elsa habang nasa backstage sila ng gymnasium sa gilid ng highway.

Agad na napasimangot si Sashna.
" Alam mo hindi ko naman sila pinipilit na dumating, ang programang ito ay para sa mga kabataan nasa puso nila ang pagdalo para makatulong pero kung maa timbang sa kanila ang Idol nila, wala na akong magagawa kundi ang tanggapin. Ni 20, 10 o kahit isa lang ang dadalo as long as may handang makinig ipagpapatuloy natin, at wag kang mag alala parating narin naman si Anthony. " sagot ni Sashna at agad na napatayo sila ng may paparating na kotse kaya agad din silang lumabas at hinintay pumasok ang kotse para pumarada sa pag-aakalang si Anthony ito.

Napaka garbo at ganda ng sasakyan nito sa isip isip ni Sashna baka nakabili ng bagong sasakyan si Anthony hindi naman kasi ito mahilig mag collection ng kotse. He even offered her that he will buy a car for her but she denied it. She's ok with commuting hindi naman siya kako nakakalipad ng malayo.

Nakangiti si Sashna na sumalubong hanggang sa bumukas ang pinto ng kotse at bumaba ang hindi niya inaasahang tao at hindi niy aasahan mang makita.

" Owww huh?" napatakip ng bibig si Elsa at nakatingin sa lalakeng kabababa palang na may mapaglarong ngiti sa labi na nakatingin kay Sashna at biglang naglumikot ang mata ni Elsa sa suot ni Nash. Just a simple Black tee shirt paired with Jeans, a flat bill hats and a sunglasses. Parang nananaghinip si Elsa at gusto niyang kunan ng litrato si Nash sa kadahilanang hindi ito lumalabas without wearing some hoodies and it's freaking handsome to look.

" Bakit ka nandito?"

Napamulat si Elsa at agad na nilapitan si Sashna na seryosong nakatingin kay Nash.

" Ano ba Sashna, tumigil ka nga.." agad na humarap si Elsa kay Nash na nakangiti sa pwesto nila kaya parang nanghihina si Elsa.
".. Uhh Hi Nash, you can go inside and suit yourself by taking a seat but I highly recommend you to sit on the first row para komportable ka. " mahinhing ani ni Elsa.

Agad na ngumiti si Nash at napatingin kay Sashna na napairap.
" I'm going, preety even though you're lack of fashion sense." ani niya kay Sashna na kinaigting ng panga ni Sashna at lalapitan sana ito at singhalan ng pigilan ito ni Elsa.

WHEN THE SOCIAL MEDIA INFLUENCER FALL IN LOVE( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon