CHAPTER 2 (

1.4K 41 0
                                    


CHAPTER 2
  Enjoy❤️
Keep safe
-MsAremge

Napasampal si Nash sa sarili ng makalabas na siya ng highway mula sa pagsunod sa taxi kanina.

Napahinto siya sa gilid ng kalsada tsaka tumingin sa salamin at inayos ang sarili niya.

" Shit! What have just happened? Bakit ba naisipan ko pang sundan ang babaeng yun!" ani ni Nash sa sarili at napahilamos.

Bakit niya nga ba naisipang sundan, ewan niya din ang alam niya lang curious siya sa babaeng iyon, sa likod ng mala anghel na mukha niya, kalungkutan naman ang nasa likod ng salamin niya, malungkot ang kanyang mga mata, kumikinang sa kagandahan at kalungkutan. Ng makita niya itong tumitingin sa loob ng Jeep kita niya na nay kung ano sa maamong mukha nito na ayaw niyang makita, nais din niyang tumitig ito sa kanya kahit na hindi siya nito nakikita sa loob ay palihim na napalunok siya sa antisipasyon.

" Aishh! Nababaliw na ako, muntik pa akong makilala nung driver..." napaayos siya ng upo at agad na tumingin sa salamin at tinignan ang mukha niya. Agad niyang inayos ang buhok niya at inistilo tsaka inayos ang suot niyang damit at kinuha ang sunglass niya at sinuot. Kinuha niya ang cellphone niya at agad na kumuha ng litrato sa sarili niya.

Agad niyang binuksan ang instagram account niya atsaka nag post pero napatigil siya ng lalagyan na sana niya ng caption at sumagi sa isip niya ang babaeng iyon pero agad siyang umiling at inalis sa isip niya ang babaeng iyon at agad na nag post pagkatapos ay agad na pinuntahan ang manager niya.

😜

Sa kabilang banda..

" Anak ano yang tinitignan mo at kilig na kilig ka?" tanong ng isang tatay sa kaniyang babaeng anak na nasa 17 anyos.

Agad na tumayo ang babae at agad na hinarap ang ama at may malaking ngiti sa labi.

" Tay tapos na ang biyahe niyo?"

Agad na umupo ang tatay sa upuan.

" Oo, teka ano bang tinitingin mo sa selpon mo at kilig na kilig ka pag ikaw makita ng nanay mo babatukan ka na naman nun." mas lalong lumaki ang ngiti ng babae.

" Ganito kasi yan tay.. Ayttt ahihi, kinikilig talaga ako tay wait lang hooo.. Kasi ganito tay naalala mo yung idol ko nag update siya ng litrato niya sa Instagram at talagang napaka gwapo niya tay tapos yung caption
' Smile, darling' ayyyiieee kinikilig talaga ako tay. Ewan. " ani ng babae at agad na ipinakita ang litrato na sinasabi niya sa ama na mahigit 10 minuto palang ay thousands na ang nag heart at libo din ang comments.

Pinakatitigan ito ng tatay nito ng makitang pamilyar sa kanya ang lalake ng sumagi sa isip niya kung bakit.

" Teka sabi ko na nga ba siya yun akala ko kamukha lang.." bulalas ng matanda na kinakunot noo ng anak niya.

" Anong akala tay?"

Hinarap nito ang anak tsaka tinuro ang nasa litrato.
" Yang lalakeng yan, nakita ko siya kanina nung hinatid ko yung huling pasahero ko, naligaw kasi yan kaya iba ang nadaanang kalye kaya nilapitan ko, nagkausap nga kami niyan eh. Akala ko kamukha niya lang yun pala siya na talaga yun." ani ng matanda na kinalaki ng mata ng anak.

" Totoo tay? Sure ka na siya yun? " gulat na tanong ng babae agad na tumango ang tatay niya.

" Oo sure na sure ako, yang suot niya yan din ang suot ng lalakeng yun kaya sigurado akong siya yun tsaka nakasakay siya sa napakagandang sasakyan na kulay asul, mamahalin. " ani ng matanda agad na napaupo ang anak na parang nanghihina at napatulala.

WHEN THE SOCIAL MEDIA INFLUENCER FALL IN LOVE( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon