CHAPTER 7( POSSESSIVE ACTS)

1.2K 36 1
                                    

"Love lots guys.. Ahahah."
💙

CHAPTER 7

NAGKATIITGAN lamang sila Sashna at Reo habang naghihintay na may umimik.

" Ahmn.. Kamusta ka na Reo?" una ng nagsalita si Sashna dahil parang kinikilala pa rin siya nito.

Napatikhim namam si Reo atsaka ngumiti.
" Sorry, nababaguhan lang ako sayo, parang kailan lang noong sobrang liit mo I mean natin, naaalala ko pa na sobrang itim natin dahil malaya tayong nakakapaglaro sa labas ng walang kaalam alam ang ate mong nakatambay lamang sa sala niyo." ani nito.

Napatawa naman si Sashna.
" Paano ba naman kasi palagi yung nakaatupag sa cellphone niya. Ni hindi nga non kaya na walang signal. Pero wag mo ng ipaalala ang panahon ng kadugyutan natin, nakakahiya." tawa niya.

Natawa din ito at napatingin siya rito.

Ibang iba na ito. Malaki na ang katawan nito, batak na batak marahil dahil sa pagiging police nito, nakikita mo ang mga muscles nito sa balikat habang tumatawa ito.
Nakasuot ito ng Simpleng T shirt at pants at makikita mo ang batak na muscles nito.

Lihim siyang napangiti dahil naaalala niya ang kabataan nila. Ang dugyot niya talaga noon at naisip pa niyang magpapansin rito noon kahit nangangamoy araw siya.

Natawa siya.

" Ang laki ng pinagbago mo ah? Parang kailan lang na ang payatot mo pero ngayon parang pumasok la sa pagupulis para tagasalo ng bala na di tatabla sa bato mong katawan.." tawa niya.

Napatawa ulit ito.
" Alam mo naman noon pa na pagpulis ang pangarap ko diba? Naaalala ko pa rin na sabay tayong pumupunta sa self defense instructor hindi ba para matuto. Are you still attending self defense classes? " tanong nito.

Napatango naman siya.
" Of course, since noong nawalan ako ng pamilya, I promised na kaya kong ipaglaban ang sarili ko, pero minsanan nga lang dahil alam ko na din naman, sa totoo nga niyan nagamit ko na ang natutunan ko nung isang pagkakataon ng may humoldap sa isang babae kaya tumulong ako, gabi kasi kaya naagsulputan, buti isang tao lang yun kaya nakayanan ko, muntik pa akong sugatan ng kutsilyo niya. " pagmamalaki niya.

Agad na napakunot noo si Reo.
" Sashna, dapat hindi ka basta basta sumusugod what if may dalang baril yun o baka naman may kasamahan iyon, it will be dangerous dahil madedehado ka.."

" Why? Mali ba ako? Kaya nga ako nag aral non para matulungan ko ang sarili ko.."

" It's not bad, Sashna but you have to be more extra careful maari mo ngang ipaglaban ang sarili mo pero madedehado ka kung sakali dahil konti lang ang kaalaman mo that will never be an assurance na pwede ka basta basta nalang sumunggab, alam mo na magagamit mo lamang ang self defense kung alam mo na pwede but sa ganong pagkakataon mas mabuting tumawag ka muna agad ng pulis kesa pansangga ang katawan mo. "

" Ok ok fine, chill. It's nota bog deal ok, tapos na yun. " ani niya.

Napataas ang kilay ng lalake.
" Ok ok, let's just eat at mag usap ng ibang topic. " ani nito.

Napatango siya at nakangiting sumusubo ng pagkain ng mapatingin siya sa lamesa likod ni Reo at napaubo at nanlaki ang mata niya ng biglang kumaway si Nash sa kanya habang nakangisi. Hindi gaano kalapit ang pwesto nito pero pinagmamasdan siya nito.

WHEN THE SOCIAL MEDIA INFLUENCER FALL IN LOVE( COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon