'Why you gotta be so rude.
Don't you know I'm human too.'Kunyare walang nangyari.
Kunyare wala akong nakita.
Kunyare wala akong nasabing kakaiba.
Kunyare wala akong naramdaman.
Kunyare wala akong nakilala.
Kunyare ..
Kunyare di ako nasaktan.
Lalo sa mga sinabi nya sakin.
HAAAAAAYSSSSSS !
Why you gotta be so rude, Zham.
Umupo ako sa park malapit sa apartment namin.
Nakita ko yung mga bata, naglalaro, naghahabulan, nagkakasatan.
Ansaya nila. Kasama nila yung mga nanay nila.
Nakakamiss din pala yung mga abnormal kong kapatid, yung baliw kong nanay at yung tatay kong dinaig pa si Marcos sa pagpapatupad ng marshal law. Dinaig pa ang gobyerno sa dami ng batas.
May batang nadapa.
Tapos umiyak. Malamang.
Nadapa. Nasaktan. Nasugatan.
Nilapitan ng nanay nya at inasikaso yung bata.
Makapagselfie na nga lang.
Gawin kong background yung mag-ina.
Click. Upload sa facebook.
Caption:
'Nakakamiss yung mga panahong pag nadapa ka, nasugatan ka, iiiyak mo lang, pupuntahan ka agad ni nanay. Ayos na.'
Hays. Buhay nga naman parang ako. Ang ganda.
'Mabuti pa nung bata, masaya.
Kapag may problema, ang takbo ay kay ina.'Wow naman sa kanta. Saktong sakto !
Nakapangalumbaba ako.
"Wow. Hashtag WHO-GOAT ! "
Napalingon ako sa nagsalita.
Automatic na tumaas agad ang kilay ko.
"Ginagawa mo dito ? " - mataray kong tanong sa kanya, yung si gluta boy.
Tumaas din yung kilay nya. Bakla siguro to, yung mga ginagawa nya di angkop sa ginagawa ng mga lalaki eh.
"Bakit ? Sayo ba tong park ? Sayo ? Sayo huh ! ?" - sabi nya
Lokong to uhh !
"Inaangkin ko ba ? Inaangkin ? Para nagtatanong lang eh." - sagot ko sa kanya
Inirapan lang ako.
Pakiremind nga ko na bakla tong lalaking to.
Binalik ko na lang yung tingin ko sa mga batang naglalaro.
Haaay.
"Ano to ? Is this yours ? Bat parang ang laki ?" - biglang tanong sakin ng katabi ko.
Nilingon ko naman sya at biglang nanlaki yung mata ko.
Nakakunot pa yung noo nya, para bang takang taka.
Hinablot ko sa kanya pero mabilis nyang naiiwas yung kamay nya.
"Pakilamero ! " - sigaw ko sa kanya habang pilit ko pa ding hinahablot sa kamay nya
Tumayo sya at tinaas yung kamay nya, mukhang natuwa pa ang loko.

BINABASA MO ANG
Napkin Lang Pala Katapat Mo Eh !
HumorThe story is all about a girl na may super duper ultra mega to the highest level na kagandahang taglay at ma------ * TWOOOOOOOGSSSHHHH * (kumulog) * BOOOOM KABLAAAAAM BLAAAG * (nagbanggaang UFO) * WUUUUUUSHIIIIIIIINGGGGG * (nagtumbahan yung mga pun...