So sa mga nakabasa na nung Chapter 3 to 6, sorry pero there's a sudden change of chapters. May inayos lang ako sa storyline pero yung mga nabasa niyo is included pa rin, so don't worry, hehe. I just included some things na need sa story. Erase erase muna yung naunang pagkakasunod-sunod. Hindi na po mauulit haha.
Enjoy Reading💛
Love y'all, Himweh💋
CHAPTER 3
Magkakaroon kami ng exams bago mag Christmas Break, kaya naman doble ang oras na nilaan ko para sa pagre-review.
Kahit free time, dahil wala ang Prof ay nilalaan ko rito. Kaya naman ngayong wala ang Prof namin sa second subject ay inaya ko si Kel at Barrie na pumunta sa library para maghanap ng mga librong aaralin para sa exam.
"I hope makita natin siya ulit today." Kinikilig na sabi ni Kel na nasa likod ko habang naghahanap ako ng libro.
"Who? Sinong gusto mong makita ngayon?" Tanong ni Barrie sa nasa tabi ni Kel.
I looked at them. "Yung nabangga niya sa cafeteria last time." Sagot ko sabay baling ulit sa mga librong nasa bookshelf.
Barrie nodded with a confused face, samantalang si Kel naman ay biglang tumulala sa isang parte ng library. Hindi na ako nagtanong at kinuha na lamang ang mga librong kailangan, pagkatapos ay humanap na nang mauupuan.
Sumunod naman agad si Barrie samantalang naiwan naman na nakatayo si Kel.
"Kel, why are you still standing there?" Pagkuha ni Barrie sa atensyon ni Kel.
Agad namang natauhan si Kel at bumaling sa amin. Kibit balikat lamang ang sinagot niya kay Barrie at umupo na sa tabi ni Barrie na nasa harapan ko. I got curious kaya naman sinundan ko nang tingin ang tinitignan niya at hindi sinasadyang nagtama ang tingin namin ni Rence na siya pa lang tinititigan ni Kel. Agad kong binawi ang tingin at tinuon na lamang sa libro.
I exhaled heavily, "I knew it."
Tumayo si Kel at nagpaalam, "Wait lang ha, May hahanapin lang akong libro. I'll be back."
"Libro ba talaga?" Tanong ko na hindi inaalis ang tingin sa libro.
"O-Of Course Arie. Ano pa bang hahanapin ko sa library diba?" Pagdadahilan niya.
"Oo nga, Arie. There's nothing special here. It's just full of books." Barrie smirked.
"Okay, hanapin mo na yung LIBRO na gusto mo."
Hindi na ako nakipagtalo pa kahit alam ko naman na hindi libro ang pupuntahan niya kung hindi ang lalaking gusto niyang makita ngayon.
It's no bigdeal rin naman, it's Kel's life so I won't interfere in it. Andito naman ako para mag-aral at hindi ang bantayan siya.Naiwan kami ni Barrie sa table at sabay na nag-aral habang hinihintay si Kel na bumalik. Minutes have passed pero hindi pa rin nakakabalik si Kel. Samantalang napansin ko naman ang hindi mapakaling si Barrie na madalas na tumitingin sa paligid ng library.
Biglang tumayo si Barrie, "Uhm, Arie, I'll just get another book. I'm done reading this book na pala." He said in a low voice and almost a whisper.
I was about to answer when Kel showed up behind Barrie.
Kel looked at Barrie confusingly. "You're done reading already?" Tanong niya kay Barrie.
"No, may hahanapin lang akong libro." Masungit na sagot ni Barrie bago umalis.
YOU ARE READING
Yearned Dream
RomanceIf a perfect life is almost given to you, would you risk it for someone? That was the question that's been running through my mind since the day I've realized that I have fallen in love with a man that changes everything. But, is it worth it? Gusto...