Enjoy Reading!
Spread yellow hearts💛
CHAPTER 12
Ilang araw na ang nakalipas nang sabihin iyon ni Rence. Ngayon ko lamang hiniling na huwag munang matapos ang linggo, dahil hindi ko pa alam ang isasagot ko tungkol do'n.
But, the day that I want to skip came.
"Napapadalas ata ang pag-alis mo tuwing linggo, Arie?" Tanong ni Mama habang sinusuri ang suot kong damit ngayon.
Napatingin rin si Papa, uminom muna siya bago nagsalita.
"Pansin ko rin, Hija. Saan ka ba pumupunta at sino ba ang kasama mo palagi?"
Pareho na silang nakatingin sa akin habang inaantay ang magiging sagot ko.
"Ah, S-Si Chaital po." Pagsisinungaling ko.
"Sigurado ka ba? Mamaya iba ang kasa-" Giit ni Mama na agad namang pinutol ni Papa.
"Stop it, Torrie. Our daughter would never lie to us if that's what you want to ask." Sabay balik na sa pagkain.
Tumikhim ako bago tinuloy na rin ang pagkain at paminsan minsang sumusulyap sa hindi pa rin kuntento na si Mama.
Kalaunan ay inalis niya na rin ang mapanuri niyang tingin sa akin at bumalik na lamang sa pagkain.
"I just want to make sure, Nicson." Pahabol niya.
Mabuti na lang at patapos na akong kumain. Ayoko na magtalo pa sila dahil lang sa akin. Kaya naman nang tuluyan na akong matapos ay nagpaalam na ako para umalis.
"Alis na po ako." Pagpapaalam ko bago lumapit kay Mama na hindi makatingin sa akin at saka kay Papa na ngumiti bago ako hinayaang umalis.
Nang makalabas ako ng aming bahay, agad akong pumikit nang mariin dahil sa pagsisinungaling na aking ginawa.
Hindi ko naman gustong gawi'n iyon, siguro hindi pa lang ito yung tamang oras para doon. But, I will tell them, hindi pa lang sa ngayon.
Sa dami nang aking naiisip hindi ko namalayan na nakalabas na ako ng village at hindi ko rin namalayan na kanina pa rin nakatitig sa akin si Rence.
"Okay ka lang?" Tanong niya ng makalapit ako sa kaniya.
Agad akong natauhan at isinantabi na lang muna ang iniisip.
"Oo naman," Sagot ko sabay baling sa kotse kung saan siya nakahilig. "This is new. Kanino mo naman hiniram 'to?" Nang-aasar kong tanong sa kaniya.
Pinagkrus niya ang kaniyang braso saka tumuwid nang tayo at nakangiting tumingin sa akin.
"Hulaan mo."
"Andami mo talagang alam, e kung sabihin mo na kaya para makaalis na tayo,"
"Kahit kailan talaga andamot mo," Sabi niya na ikinangisi ko, "Hindi 'to hiram kasi sa akin 'to." May pagmamayabang niyang sabi.
"Really?" Gulat kong tanong sa kaniya.
Imbis na sumagot ay pinagbuksan niya ako ng pintuan at bahagyang yumuko.
"Pasok ka na, madame." Pang-aasar niya.
Umiling na lamang ako, pigil ang pagtawa sa kaniya.
His childish side is one of his characteristic na gustong-gusto ko, 'yan lagi ang nagpapagaan ng mood naming dalawa at madalas nakakapagpatawa sa amin, kaya naman ni minsan hindi ako nainis sa ugali niyang iyan.
YOU ARE READING
Yearned Dream
RomanceIf a perfect life is almost given to you, would you risk it for someone? That was the question that's been running through my mind since the day I've realized that I have fallen in love with a man that changes everything. But, is it worth it? Gusto...