Chapter 11 (Assurance)

13 2 0
                                    

Spread Yellow Hearts💛

Love y'all, himweh💋

CHAPTER 11

"If I were you, irereklamo ko si Kel. We're not sure kung 'yan lang ang balak niyang gawi'n sa'yo."
Payo ni Chai.

"I don't want this problem to go that far, Chai. All I want is to talk to her and ask her." Kalmado kong sabi.

Yes, all I want now is her explanation. I want to know her reasons. Wala akong maramdamang maski katiting na galit sa kaniya. I know that somehow, may kasalanan din ako, that's why I'm getting all the possible reasons to understand her.

Chai rolled her eyes, "Whatever. Just don't forget that I've warned you. That girl...I mean your ex-friend—"

"She's still my friend, Chai,"

"Hindi ko alam kung 'yan din ang tingin niya sa'yo, ha, after what happened."

Well, a girl friend can hope.

"Are you sure about this? Do you want me to come with you? It bothers me na iiwan kita sa," sabay silip ni Chai sa kabuuan ng labas ng bahay nila Kel mula sa kotse, "bahay ng babaeng....I mean your friend."

"Don't worry, Chai. I'll be fine. I don't want to drag you in our problem."  Tinanggal ko mula sa pagkakakabit ang seatbelt bago lumingon sa kaniya at nakita ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

"Chai, Kel wouldn't do anything that will harm me, hmm? Just let me fix this problem on my own." I gave her an assuring smile before I jumped off the car.

"Good afternoon, Nay Liz," Pagbati ko nang maabutan ang isang kasambahay na nagdidilig ng mga halaman malapit sa gate.

Agad naman siyang lumingon at lumapit sa akin."Oh, napabisita ka Arie,"

"Nandiyan po ba si Kel?"

"Ah, oo. Nasa kwarto niya si Ma'am Kel, halika pasok ka."

Pinapasok niya ako at dinaluhan papasok sa bahay. Nauna siyang naglakad samantalang ako naman ay nasa likuran niya.

Nang makapasok ay dumiretso kami sa sala at dun siya tumigil sa paglalakad.

"Dito ka muna, Arie," Paglahad niya sa akin sa sofa, "Ipapaalam ko lang kay Ma'am na nandirito ka." Nakangiting sabi niya.

I smiled at her, "Thank you po Nay Liz." Sabay upo ko sa itinuro niyang sofa sa sala.

Ilang minuto pa lang ang lumipas ay may narinig na akong yapak na nagmula sa hagdanan.

Agad akong nag-angat ng tingin sa pag-aakalang si Kel iyon, ngunit ang bumungad sa akin ay ang hindi maipintang mukha ni Nanay Liz.

Tinignan ko kung mayroon bang nakasunod sa kaniya ngunit wala. Tanging si Nanay Liz lamang ang bumaba.

"Ah.. Arie, wala pala si Ma'am sa kwarto niya....Lumabas ata..H-Hindi ko lang siguro napansin," Ani niya. "Pasensya na, ha."

"Okay lang po Nay, wala po i—" natigil ang aking pagsasalita nang may marinig na pagkabasag ng isang bagay mula sa isang kwarto.

Yearned DreamWhere stories live. Discover now